Wednesday, January 22, 2025

PARANG MALI ANG GINAWA NG MGA QUIBOLOY SUPPORTERS

2088

PARANG MALI ANG GINAWA NG MGA QUIBOLOY SUPPORTERS

2088

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mga KapNoy, nitong mga nakaraang araw ay tila isang action teleserye ang naganap sa Davao City. Sandamukal na balita ang nagkalat tungkol dito. Kadami ring mga FB live ang naglabasan. Ang eksena, girian ng mga pulis at mga supporters ni Pastor Quiboloy.

Aba’y inaabangan ko na lang na dumating si Coco Martin at umentra sa maiinit na eksena. O kaya naman ay rumagasa ang isang kabayong sakay si Leon Guerrero. 

Hindi ko na masyadong binabasa ang mga balita, tingin-tingin na lang. Iisa lang ang malinaw na naganap, hinaharang ng mga Pastor Quiboloy supporters o followers ang mga pulis na naatasang isagawa ang arrest warrant. 

Kadaming ligal na basehan ang ibinabato ng magkabilang panig. Sa mga pulis, misyon daw nila ang paghanap at pagdakip ayon sa hawak na warrant. Sa mga supporters naman, karapatan daw ay ipinaglalaban upang proteksyunan ang kanilang Pastor.

Ito’y aking ordinaryong pananaw lamang mga KapNoy. Maaaring mali ako o maaari rin namang tama. Wala naman kasi akong panahong basahin ng buong-buo ang mga balita tungkol dito. Idagdag mo pa d’yan, hindi naman ako aral sa mga pasikot-sikot ng batas.

Pero may isang obserbasyon akong hindi ko nababasa at wala yatang nagsasabi tungkol dito. ITO YUNG TINATAWAG NA OBSTRUCTION OF JUSTICE. 

Muli ay maaaring mali ako mga KapNoy. Pero hindi ba ilang beses na nating nabasa o nadinig ang tungkol sa pagharang at pagpigil sa mga otoridad para pigilan silang isagawa ang nasasaad sa warrant? Ganon din ang pagtatago sa akusadong tao mula sa mga awtoridad. Parang maituturing ka ring kasabwat ng akusado kapag ganon.

Aba’y mga KapNoy, kapag mahirap ang akusado, nagtago sa loob ng bahay niya, at pagdating ng mga pulis na may dalang arrest warrant, subukan ng mga kapamilyang humarang, tingnan mo ang mangyayari? Kahit pa ang akusasyon ay kapiraso lang kumpara sa akusasyon sa mayaman at makapangyarihang Pastor.

OBSTRUCTION OF JUSTICE. Mga KapNoy, ano sa palagay n’yo? Maihahalintulad ba dito ang pagharang ng mga supporters ni Pastor Quiboloy sa mga pulis? 

‘Wag sana ninyong mamasamain mga KapNoy. Sa aking mababaw na pananaw, ang nagaganap sa Davao ay isa na namang larawan ng nakalulungkot na katotohanan sa estado ng hustisya sa ating bansa. 

Kapag mahirap ka, manghipo ka lang ng legs na bandang tuhod pa, pede ka nang akusahan ng molestation o siguro indecent act. Huli ka kaagad, hindi pedeng humarang ang mga kaanak mo sa mga huhuli sa’yo dahil baka nga naman ma-OBSTRUCTION OF JUSTICE sila.

Pero kapag mayaman at makapangyarihan ka, kahit kalalaki ng mga akusasyon sa iyo, aba’y kadaming pag-aalangan ang mga law enforcers upang mag enforce ng law. Kaya ng pera mong maging mas maliit sa paghipo ng legs lamang ang akusasyong buong panggagahasa.

Totoo bang may piring ang mga mata ng simbolo ni Hustisya?

Photo credit: Screengrab from Facebook/pro11official

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila