Sunday, November 24, 2024

30 Taon Pang Lifeline Rate Para Sa Halos 6M Na Pamilya

18

30 Taon Pang Lifeline Rate Para Sa Halos 6M Na Pamilya

18

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Halos anim na milyong mga pinakamahihirap na pamilyang Pilipino ang nakatakdang mabigyan ng tulong sa kanilang buwanang singil sa kuryente sa loob ng 30 taon kasunod ng pag-apruba ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas sa Extending and Enhancing the Implementation of the Lifeline Rate.

Ang Energy Regulatory Commission (ERC), Department of Energy (DOE) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay magkasamang lumagda sa IRR ng Republic Act No. 11552 noong Oktubre 28, 2022. Ang RA 11552 ay kilala rin bilang “An Act Extending and Enhancing the implementation of the Lifeline Rate, Amending for the Purpose Section 73 of Republic Act (RA) No. 9136 (Electric Power Industry Reform Act of 2021).”

Sinabi ni DOE Secretary Raphael P.M. Lotilla na ang “lifeline rate program in the Philippines is one of the best designed lifeline rate programs in the world; ours is better targeted.”

Ang DOE, sa pangunguna ni Lotilla, ay inatasang bumalangkas at magpahayag ng mga alituntunin ng patakaran ng RA 11552, na tinitiyak na ang batas at ang IRR nito ay naaayon sa batas. Ito naaayon sa pangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. na ang mga benepisyo ng mga patakaran at programa ng gobyerno sa enerhiya ay nararamdaman ng mga pinakamahihirap.

Patas na pagpapatupad ng lifeline subsidy

Ang mga kwalipikadong marginalized electricity end-user ang target ng nilagdaang IRR, alinsunod sa RA1152, na magtitiyak na ang subsidy na ibinibigay sa mga benepisyaryo ay naipamahagi nang patas. Ang DSWD ay nangako na tutulong sa pagpapatupad upang makamit ang patas na layunin ng IRR.

30 taon pang subsidy sa 6 na milyong consumer ng kuryente

Binago ng isang susog na ginawa sa Seksyon 73 ng EPIRA (RA No. 10150) ang probisyon ng subsidy na may 20 taong saklaw sa mga consumer ng kuryente, na nagbibigay sa subsidy ng pinahabang timeline (karagdagang 30 taon). Nangangahulugan ito na ang mga mula sa marginalized sector na kumokonsumo ng kuryente ay patuloy na makakakuha ng subsidy ng gobyerno sa kanilang singil sa kuryente sa loob ng 30 taon pa pagkatapos ng unang 20 taon sa orihinal na RA. Ito ay maihahantulad sa isang tao na nakikinabang sa benepisyo ng isang bahagyang na-subsidize na singil sa kuryente sa halos buong adult life nya.

Ipinapakita ng mga rekord ng ERC na sa unang anim na buwan ng 2022, ang mga benepisyaryo ay nakinabang na mula sa lifeline rate program ng average na P541 milyong halaga ng subsidy kada buwan. Ang mga aktwal na diskwento ay nag-iiba, depende sa lifeline program ng bawat Distribution Utility computation na inaprubahan ng ERC.

Mga kwalipikadong sambahayan — target ng pinalawig na subsidy timeframe

Ang mga sambahayan na kwalipikadong benepisyaryo sa ilalim ng “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” (4Ps) Act, na ang master list ay nasa DSWD, ang priyoridad sa mga end user ng pinalawig na takdang panahon ng subsidy. Ang 4Ps ay naglalayon na mabawasan ang kahirapan sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash transfer sa mga mahihirap na sambahayan upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon at edukasyon nila.

Sinabi ni ERC Chairman at CEO Monalisa Dimalanta na ang ERC ay magbibigay ng pamantayan para sa mga kwalipikasyon ng isang marginalized end-user habang ang DSWD ay magbibigay ng listahan ng mga kwalipikadong household-beneficiaries upang matiyak na pareho at objective ang pagtukoy ng mga potensyal na benepisyaryo.

Binigyang-diin ni Dimalanta na ang IRR ay resulta ng epektibong inter-agency collaboration para makapaghatid ng mas magandang serbisyo publiko.

Gaya ng ipinag-uutos ng batas, ang ERC, DOE at DSWD, sa konsultasyon sa Philippine Statistics Authority at iba pang pampubliko at pribadong stakeholder, na may pag-apruba ng Joint Congressional Energy Commission, ay dapat maglabas, magpatibay at magpahayag ng mga tuntunin at regulasyon para ipatupad ang mga probisyon ng RA No. 11552.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila