Inanunsyo ng Commission on Election o COMELEC na hindi na palalawigin pa ang voter registration period lagpas ng Setyembre 30 kahit nasa gitna ng pandemya.
Ito ay matapos pagpasyahan ng En Banc na huwag na i-extend pa ang registration kahit may ilang panawagan ang ibang kongresista na pahabain pa ito ng isang buwan.
Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, maaring magkaroon ng “domino effect” sa mga preparasyon para sa eleksyon kapag nagkaroon pa ng extensyon ang voter registration period.
Iginiit ni Jimenez na kahit hindi pinayagan ang extension, bukas naman ang mga voter registration site tuwing Sabado pati na tuwing may holiday. Lumalagpas din hanggang alas-singko ng hapon ang voter registration kung kinakailangan.
Sa ibang siyudad na nasa ilalim ng Enhance Community Quarantine o ECQ at ng Modified Enhance Community Quarantine o MECQ, mananatili pa ring suspendido ang voter registration sites.