Hiniling ni Misamis Oriental, 2nd District Representative Juliette T. Uy sa Department of Finance (DOF) at National Economic Development Authority (NEDA) na ipagpaliban ang pagpataw ng mataas na buwis sa mga manggagawa at mga maliliit na negosyo.
Ayon kay Uy, nahihirapan ang maraming empleyado ngayon dahil sa pandemya. Dagdag pa niya, imbis na ang pagpataw ng mataas na buwis ang pagtuunan ng pansin, dapat gawing prayoridad ang pagtapyas ng buwis. Malaking tulong ito lalo na sa mga negosyante na ibangon muli ang kanilang negosyo.
“May mga ilang batas din naglalayon na i-exempt na lamang ang ibang sektor sa buwis at ito ay pwedeng suportahan ng publiko,” sabi ni Uy.
Pabor din si Uy sa tax exemption sa mga benepisyong tinatanggap ng mga guro pati na ang kompensasyon sa mga election personnel.
“Tax-free dapat iyon. Buong-buo dapat nilang matanggap ang honoraria at insurance benefits for election services rendered,” dagdag niya.
Photo Credit: Facebook/juliette.uy.5