“Kuya Jonsi”, ito ang madalas itawag ng mga taga-Los Baños o mga “taga-eLBi” kay Jonathan Bryan S. Siytiap. Nagtapos ng kolehiyo sa De La Salle University at kumuha ng top management program sa Asian Institute of Management.
Bago niya pasukin ang mundo ng pulitika, nasa larangan siya ng edukasyon at negosyo bilang Executive Vice President (EVP) ng TRACE College, Los Baños, Laguna na itinatag ng kanyang father-in-law at chairman na si Efraim Genuino noong 1986.
Bilang EVP ng TRACE College, ipinatupad ni Kuya Jonsi ang 500 per year program bilang munting tulong sa mga magulang na gustong magtapos ng pag-aaral ang kanilang anak. Naniniwala siya na sa sipag at tiyaga, kayang-kaya na makamtan ang magandang kinabukasan kahit nasa gitna ng pandemya.
Nitong nakaraang Agosto, napagtanto ni Kuya Jonsi na kailangan ng mga ka-eLBi ng tulong pang-pinansyal, pang-eskwela, pang-kabuhayan at pang-medikal. Kaya inilunsad niya sa gitna ng lockdown ang PandeJonsi, ArugaKayLoloAtLola, EskwelaAyuda, supportLBhelpLB, at ang KuyaJonsiCares. Naniniwala si Kuya Jonsi na sa simple at mga munting proyektong ito ay makakatulong mai-angat ang kabuhayan sa pang araw-araw ng mga ka-Elbi.
Ipinatupad din ni Kuya Jonsi ang Pahatid ni Kuya Jonsi – Benta Mo, Hatid Ko program sa ilalim ng supportLBhelpLB na libreng paghatid ng mga ibinebentang lokal na produkto ng mga taga-eLBi. Suporta ito sa mga nagnenegosyo sa Los Baños para hindi na sila mahirapan sa paghahatid ng kanilang produkto. Tiyak na serbisyo at agarang aksyon ang gusto ni Kuya Jonsi para sa Los Baños.
Kung papalarin si Kuya Jonsi sa pagiging Konsehal, ano ang kanyang mga adhikain? Kasama ang buong slate ng Bagong Los Baños na pinamumunuan ni Ton Genuino at Josephine Evangelista, tatlo ang prayoridad na programa ni Kuya Jonsi.
- Transportasyon. Tiyak na aayusin ni Kuya Jonsi ang mga safety standards at magsasagawa ng mga panibagong daan upang maparami at mapabilis ang pag-angkat ng mga produkto na galing mula Los Baños;
- Imprastraktura. Sa tulong ng lokal na pamahalaan, gusto ni Konsi Jonsi na magtayo ng emergency clinics at support centers para sa mga ka-Elbi na senior citizens at PWDs pati na support centers at educational libraries para sa mga estudyante. Aaksyunan din niya ang mabilisang proseso sa kalakaran ng lokal na produkto para tulungan ang mga lokal na negosyanteng apektado ng pandemya.
- Teknolohiya sa impormasyon at komunikasyon. Gusto ni Kuya Jonsi na magkaroon ng mas maraming Business Process Outsourcing (BPO) companies sa Los Baños para sa karagdagang job opportunities ng mga taga-eLBi at paigtingin pa ang internet connection services.
Para kay Kuya Jonsi, tiyak na serbisyo at tiyak na kakayahan ang bukod tanging magbabangon sa Los Baños tungo sa progresibo at makabagong Los Baños. Hangarin niya na mapabuti ang kalagayan ng mga minamahal niyang mga ka-Elbi.