Tuesday, April 30, 2024

Kongreso, Gumawa Ng Kumite Para Sa Nuclear Energy

1

Kongreso, Gumawa Ng Kumite Para Sa Nuclear Energy

1

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naghain ng mosyon si Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos na gumawa ng Special Committee on Nuclear Energy noong Martes.

Layunin ng kumite na talakayin ang iba’t-ibang polisiya at programa ukol sa nuclear energy. Pag-aaralan din ng kumite ang pagtatayo ng mga imprastrakturang kinakailangan. 

Binubuo ang kumite ng 25 na miyembro na pangungunahan ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco. Ayon kay Cojuangco, ang nuclear energy ay mura, malinis, at maaasahang energy source. Gagawin din ng kumite ang lahat ng makakaya upang ipaalam sa publiko ang benepisyo ng paglipat sa nuclear energy.

Ang paggawa ng bagong kumite ay nakaayon sa plano ni Ferdinand Marcos Jr. na kanyang sinambit noong Hulyo sa kanyang State of the Nation Address.

“In the area of nuclear power, there have been new technologies developed that allow smaller scale modular nuclear plants and other derivations thereof,” ani ni Marcos.

“We will comply, of course, with the International Atomic Energy Agency (IAEA) regulations for nuclear power plants as they have been strengthened after Fukushima.” Dagdag ni Marcos Jr.

President In Action

Metro Manila