Pinasalamatan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Department of Budget and Management sa pagpapalabas ng Special Allotment Release Order na nagkakahalaga ng PHP2 bilyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Sa isang news release nitong Biyernes, sinabi ng DSWD na ang karagdagang pondong ito ay babalik sa benepisyo ng mga kliyente, habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Samantala, ang DSWD ay naglabas ng updated guidelines sa AICS para matiyak ang mas mabilis at mas epektibong paghahatid ng tulong.
Ang AICS ay isa sa mga programa at serbisyo sa ilalim ng Protective Services Program ng DSWD, na nagbibigay ng pinansiyal at materyal na tulong, suportang psychosocial, at mga serbisyo ng referral sa mga indigent o nasa krisis na mga indibidwal at kanilang mga pamilya.