Sunday, November 24, 2024

NTC, Susuriin Ang Kasunduan Ng ABS-CBN, TV5

0

NTC, Susuriin Ang Kasunduan Ng ABS-CBN, TV5

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Susuriin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kasunduang magpapahintulot sa ABS-CBN na makapag-broadcast ng mga programa nito sa TV5 matapos hindi mapatawan ng boradcasting franchise and network noong 2020.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas nitong Huwebes, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na magkakaroon ng masusing pagsusuri sa iminungkahing joint venture sa pagitan ng dalawang broadcasting company dahil sa mga natitirang paglabag ng ABS-CBN ayon sa imbestigasyon na ginawa ng 18th Congress noong 2020 .

“Hindi po sila makakuha ng sariling prangkisa, kaya ang ginagawa po nila ay sasakay po sila dito sa prangkisa po ng TV5. Pero hanggang ngayon ay bitbit po nila ang kanilang mga violations kahit dati pa po iyon,” sinabi ni Cordoba.

Inanunsyo niya ang pagpapalabas ng NTC Memorandum Order 3-06-2022 na nagbabawal sa isang “franchise grantee” na pumasok sa “mergers, joint ventures, sale, o anumang commercial agreement arrangements sa mga usapin sa loob ng mandato at hurisdiksyon ng Commission.”

“Dapat po ang franchise grantee ay hindi po makikipag-enter ng commercial arrangement sa isang entity na may obligasyon po sa national and local government,” aniya.

Sa ngayon, sinabi niya na hindi pa nakikita ng NTC ang mga detalye ng partnership agreement para malaman kung ang deal ay lumalabag sa anumang regulasyon ng gobyerno.

Bilang tugon sa mga alegasyon na ang NTC ay patuloy na naggigipit o lumalabag sa kalayaan sa pananalita ng ABS-CBN, sinabi niya na ang isang broadcast franchise ay isang “pribilehiyo, hindi isang karapatan” at ang kamakailang inilabas na memorandum ay naaangkop sa lahat ng may hawak ng prangkisa.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila