Wednesday, November 27, 2024

Maraming Infra Projects Sa La Union Nakaplano Na – Ortega-David

9

Maraming Infra Projects Sa La Union Nakaplano Na – Ortega-David

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sinabi ni La Union Governor Rafy Ortega-David maraming infrastructure projects ang nakaplano para sa probinsya kaya’t hinihingi nya ang pagkakaisa at pagtutulungan ng kanyang mga Kaprobinsiaan para maisakatuparan ito.

“Marami pa po tayong plans for infrastructure sa susunod na tatlong taon. Kaya naman magkaisa, magtulungan, at mag-La Union PROBINSYAnihan tayo,” aniya sa isang Facebook post.

Ito ay matapos niyang pangunahan ang inauguration ng newly-improved Santo Tomas-Agoo-Tubao Road sa Municipality of Santo Tomas at blessing ng Poblacion East Footbridge sa Municipality of Pugo noong August 30.

Ayon kay Ortega-David, dahil sa mga project na ito, mas madali nang makakapunta ang mga Kaprobinsiaan sa mga sentro ng iba’t-ibang bayan at mas mapapadali na rin ang pagtransport ng products mula sa farms at papunta sa markets.

“Game na game ako sa mga projects kung saan mas madali at mas mabilis ma-access ang basic services. Makakatulong rin ito sa tourism and recovery ng ating municipalities,” dagdag niya.

Sa isa pang post, ibinida rin ng gobernadora ang pagbubukas ng multipurpose hall sa Barangay Bautista sa bayan ng Caba noong August 31.

“The new multipurpose hall is one of our ways to build back better – a place where our Kaprobinsiaan can engage and forge stronger communities,” aniya.

Sinabi pa ni Ortega-David na ang mga proyektong gaya nito ay makapagpapalakas sa probinsya, at makakatulong para makamit ang La Union PROBINSYAnihan.

Photo Credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila