Friday, January 23, 2026

PBBM: Kasama Ng Pilipinas Ang Singapore Tungo Sa Kaunlaran

PBBM: Kasama Ng Pilipinas Ang Singapore Tungo Sa Kaunlaran

24
24

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Itinuring ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Singapore bilang katuwang ng Pilipinas patungo sa paglago ng ekonomiya at politikal na kapayapaan sa malaking bahagi ng Southeast Asia nitong Miyerkules.

“We see our future, of the Philippines as having Singapore beside us, forging ahead to the future. Singapore — as part of our journey in maintaining political stability and economic prosperity in the region,”  pahayag ng Pangulo sa isang pormal na pananghalian sa The Istana, Singapore.

Ani Marcos, ang Pilipinas ay kaisa ng Singapore na magpapatunay na ang lakas ng isang bansa ay wala sa laki nito, sa halip, ito ay makikita sa buhay ng mamamayan at sa kakayahan nitong bumuo ng relasyon sa mga miyembro ng international community at karatig bansa.

Inaasahan din ni Marcos na ang pagkakaibigang nabuo sa pagitan ng Pilipinas at Singapore ay patuloy pang umusbong sa mga darating na panahon at hindi lamang maging limitado sa dalawang panig kundi ay maging sa Association of Southeast Asian Nation na patuloy ang paglago bilang pinaka prominenteng komunidad ng mga bansa sa ating rehiyon. 

“I look forward to closer ties and stronger ties between our two countries. Our candid exchange of views, constructive discussions in the governments that were signed this morning have given us renewed optimism for an even brighter future.”

Ang opisyal na simula ng pagiging pagkakaibigan ng dalawang bansa ay mula pa 1969, bagamat marahil ito at nagsimula na ilang siglo pa ang nakaraan. 

Ang malagong ekonomiya ng Singapore ang nagbigay ng oportunidad sa higit kumulang 200,000 na Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho roon na nagpapadala rin ng malaking na halaga ng Singaporean dollars sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. 

Photo Credit: Facebook/opgovph