Tuesday, November 26, 2024

Cayetano Nanawagan Para Sa Pinalakas Na Safety Net Ng Manggagawang Pilipino

3

Cayetano Nanawagan Para Sa Pinalakas Na Safety Net Ng Manggagawang Pilipino

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano para sa karagdagang proteksyon ng mga manggagawang Pilipino sa meeting ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development nitong Lunes.

Ayon kay Cayetano, ang mga kasalukuyang programa ng gobyerno para sa mga manggagawa ay nararapat na palakasin upang mapatibay ang “safety net” para sa naturang sektor. 

“Sa dami po ng mga, if I could use the term, targeted ayuda, sa ating budget — AICS, MAIP, SLP, TUPAD — I think the (government’s) social protection cluster can come up with some programs that will actually hit two or three birds with one stone,” pahayag niya sa isang manipestasyon. 

Binalikan ng Senador ang inisyatibo ni dating Pangulong Joseph Estrada kung saan pinagpulong nito ang social security at protection chapter ng kanyang administrasyon. Kalahok sa pulong ang mga opisyal ng pamahalaan at mga non-government organizations (NGO) upang magkaisa ang mga polisiyang kanilang ipinapatupad.

Ilan sa mga ahensyang ito ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Department of Finance (DOF), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), at iba pa.

Tinutukan ni Cayetano ang programa ng DOLE na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na sinimulan noong 2020.

Mungkahi niya, maaring mapagtibay ang programa kung magtutulungan ang DOLE at SSS sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong sa mga manggagawa at unti-unting pag-reactivate sa kanila bilang mga social security members na nag-aambag sa SSS.

“For example, pwede tayo mag-pilot sa ilang mga lugar, na yung TUPAD gamitin din, to help some of them na nawalan ng trabaho, pero part of it pambayad niya sa SSS, para maging active siya.” suhestyon ng Senador.

Dagdag pa niya, ang pinalakas na “safety net” para sa mga manggagawa ay maaaring maging sagot upang mapabagal o tuluyang di na kailanganin ang malawakang programang pang-ayuda gaya ng sistema sa kasagsagan ng pandemya. 

“Nakita na natin nung pandemic, kung sobrang lakas ng ating social security system, and kung ang pension ay sana mas malaki, hindi na sana kailangan ng ayuda e.” 

Iniulat din ng mambabatas ang maliit na halagang P3,000 hanggang P4,000 na buwanang pensyon ng mga retiree na kanilang nakukuha sa social security pension na nagtutulak sa kanila upang umasa sa kanilang mga anak at personal na ipon.

Pahayag ni Cayetano, kailangan pang patibayin ang mga programang sumasakop sa social protection sapagkat kulang na kulang ito para sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Bilang chairman ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises na nagmamatyag sa SSS, tingin ng senador ay isang pangmatagalang proseso ang pagsasaayos ng sistema sa social security na maaring umabot ng ilang dekada. 

“I think this is something long-term we can work on. Realistically, maybe to fix it, 10, 20 years, kaya marami sa atin nakalimutan na kapag naayos, pero if we don’t start now, hindi natin maaayos y’un e,” ani Cayetano.

Photo credit: Facebook/alanpetercayetano

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila