Kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakipagpulong si House Speaker Martin Romualdez sa mga miyembro ng US-Asean Business Council at sa US Chamber of Commerce sa New York City.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Romualdez na ang pagpupulong ay upang mas mapalakas pa ang ugnayan at ang pagkakaisa ng Pilipinas at US na makapagbibigay ng “mutually beneficial economic” at “investment agendas” sa pagitan ng dalawang bansa.
“Sa pagpupulong na ito, ating sinigurado ang mas matibay na relasyon ng Pilipinas sa mga US at Asean (Association of Southeast Asian Nations) investors na makakatulong sa mas matatag na ekonomiya ng bansa,” aniya.
Kamakailan lamang, hiningi ng House Speaker ang suporta ng mga namumuhunan sa US para sa vision at programa ni Pangulong Marcos.
“Thank you for giving an opportunity to the Marcos administration and for considering the President’s agenda and vision. We are open to broadening and strengthening the economic partnership with the Philippine government. Let us continue to promote mutually beneficial trade and investment relationships,” aniya.
Photo Credit: Facebook/iamMartinRomualdez