Ngayong Lunes ng umaga, nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong “Karding” (international name “Noru”) pagkatapos manguna sa isang situation briefing kasama ang mga matataas na opisyal ng gobyerno.
Ibinahagi ni Marcos ang kanyang larawan loob ng chopper sa kanyang opisyal na Facebook account at inihayag sa isang press briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) headquarters sa Quezon City ang kanyang planong magsagawa ng aerial inspection.
Siya ay nag inspect sa Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac, ayon sa Malacañang.
“Now we are going to fly to see and to see — talagang I wanted to see what the level of the water is. Tingnan natin (Let us see) how far we can go. Iba ‘yung nakikita mo na siya (It’s different when you can really see it),” ayon sa Pangulo.
Sinabi rin ni Marcos na maghihintay siya hanggang matapos ang emergency at relief operations bago makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan.
“I will not land in any place because from my experience pagka nasa local government ka lalo na just after the typhoon, marami silang trabaho. ‘Pag bumaba ako, kailangan nila akong i-welcome, kailangan ‘yung pulis sa akin, kailangan kukunin ko ‘yung mga sasakyan nila. Eh ang dami nilang kailangang gawin so makakaistorbo lang ako (if you go right there just after the typhoon, they have lots of work. If I land, they would need to welcome me, they would need to deploy police, deploy cars. There’s so much work and I would just disturb them),” aniya.
Kapag dumating ang tamang oras, pagpapatuloy ng Pangulo, “I’ll go and talk to them and see what else they need after, the immediate emergency support.”
Sa kasalukuyan, sinabi ni Marcos na parehong inuuna ng pambansa at lokal na pamahalaan ang pag-airlift ng mga food materials, food packs, at tubig sa Polillo Islands ng lalawigan ng Quezon, na naapektuhan ng eyewall ng bagyo na may malakas na ulan.
Photo Credit: Facebook/BongbongMarcos