Saturday, January 11, 2025

PBBM: PH Handang Manguna Sa Peace-Making Efforts

3

PBBM: PH Handang Manguna Sa Peace-Making Efforts

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ang pangunguna ng Pilipinas sa peace-making sa regional level, ay mabuti para sa interes ng bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na binigyang-diin rin ang kanyang kahandaang makipag-ugnayan sa kanyang counterparts sa Southeast Asia upang matiyak ang kapayapaan at seguridad.

Ayon sa Presidential News Desk, ginawa niya ang pahayag sa isang question and answer session sa isang pagtitipon na inorganisa ng Manila Overseas Press Club (MOPC) sa Pasay City, kung saan tinanong siya kung gusto niyang maging lider sa peace-making negotiations sa gitna ng kasalukuyang geopolitical tensions.

Ani Marcos, may mahalagang papel ang Pilipinas, partikular sa gitna ng digmaang Ukraine-Russia, ang tensyon ng US-China sa Taiwan, at ang kamakailang missile testing ng North Korea.

Binigyang-diin niya na kung ang Russia ay gumagamit ng mga taktikal na nuclear warheads laban sa Ukraine at ito ay magiging katanggap-tanggap, maaari nitong hikayatin ang iba pang mga kapangyarihang nuklear na bansa gawin din ito, na magpapataas pang lalo sa global uncertainty.

“So we have a very important part to play in that because we have a great interest. It must be a subject of central concern in our foreign policy and in the defense of the nation in the Philippines,” sinabi ng Pangulo sa mga personalidad sa media sa MOPC gathering.

Sinabi pa niya, “So I do not think we have a choice. We must play a leadership role because it is in our interest. And if we do not do it, we are not doing our jobs as the protectors of our country, of our state, of our territory, of our people, if we do not take that leadership role.”

Sa rehiyon, iminungkahi ni Marcos na dapat palakasin ang Association of Southeast Asian Nations (Asean) para lalo itong makatugon sa mga hamon sa hinaharap at para magawa ng regional bloc ang higit pa sa nagawa nito sa ngayon.

“And in fact, in the upcoming Asean conferences that are coming up in November, I intend to propose several actions that Asean can take specific to the different conflicts that we are seeing in our region,” aniya.

“I think we should continue to try and push our member neighbors to present that united front and to move that united front forward so that we can say that Asean, a geopolitical aggrupation, economic aggrupation, has certainly shown that it has a function to do in the normal scheme of the geopolitics,” diin pa ni Marcos.

Photo Credit: Facebook/Bongbong Marcos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila