Bilang pagdiriwang sa unang 100 na araw sa panunungkulan bilang gobernadora ng La Union, pinangunahan ni Governor Rafy Ortega-David ang isang medical and dental mission sa bayan ng Burgos.
“Sa inyo nagsisimula ang mas malakas at mas matatag na La Unio! Bumisita tayo sa bayan ng Burgos para sa isa sa mga first 100 days commitment natin, ang PUSO Medical and Dental Mission,” aniya sa isang Facebook post ngayong Biyernes.
Ayon kay Ortega-David mahalaga na pangalagaan ng provincial government ang kalusugan ng bawat Kaprobinsiaan, lalong-lalo na iyong malayo sa sentro ng kanilang mga bayan.
Dagdag niya, ang provincial government na mismo ang nagpupunta sa bawat barangay upang matiyak na ang lahat ay makakakuha ng nasabing serbisyo.
Pinasalamatan rin ni Ortega-David ang mga health workers na pinangungunahan ng La Union Provincial Health Office.
“I hope you realize na ang ginagawa po ninyo greatly impacts our beloved people. Kahit po hindi madali, walang hindi kayang abutin kapag nagkakaisa at sama-sama tayo,” aniya.
Photo Credit: Facebook/GovRafy