Tuesday, November 26, 2024

LU Gov Namahagi Ng Tulong Sa Mga Hog Raiser

25

LU Gov Namahagi Ng Tulong Sa Mga Hog Raiser

25

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Namahagi kamakailan si La Union Governor Rafy Ortega-David ng tulong para sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

“Nagpunta tayo sa bayan ng Luna to distribute swine weaners and hog feeds para sa ating mga hog raisers doon. Ang cute ng mga biik!” pahayag nya sa social media.

“Naglalaan po talaga tayo ng oras para sa mga ganitong event dahil pagkakataon natin ito para makipag-usap sa ating mga raisers,” dagdag ni Ortega-David.

Ayon sa kanya, malaki ang naging epekto ng ASF sa La Union noong 2020 kaya naman ngayon, nagsasagawa ang provincial government ng mga programa para tulungang bumangon ang mga Kaprobinsiaan.

“Rest assured, we will continuously support programs that aid in recovery. Dito sa La Union, sama-sama tayong aahon at babangon. Kaya naman magpatuloy lang tayo, mag La Union PROBINSYAnihan tayo,” diin ni Ortega-David.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), limang rehiyon pa sa bansa ang apektado ng ASF. Ito ay ang Cordillera Administrative Region, at Regions 3, 8, 9 at 12. Sinabi pa nito na hindi bababa sa dalawang milyong baboy ang naapektuhan ng ASF noong 2021.

Photo Credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila