Tuesday, November 26, 2024

Tulfo, Nais Paimbestigahan Ang Mga Tauhan Ng BuCor

6

Tulfo, Nais Paimbestigahan Ang Mga Tauhan Ng BuCor

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nais paimbestigahan ni Senador Raffy Tulfo ang mga kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) at kanilang mga tanggapan upang malaman kung may kinalaman sila sa laganap na pagpupuslit ng mga kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP).

Gusto rin niyang paimbestigahan ang “Sim Card for Rent” sa loob ng NBP.

Sinabi ito ni Tulfo matapos malaman mula sa kapatid ng NBP inmate na si Jun Villamor, ang middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid, na ang kanyang kapatid ay may access sa isang mobile device habang nasa kulungan.

Matatandaang sa programang niyang “Wanted sa Radyo,” ibinunyag ng kapatid ni Villamor na si alyas “Ate,” na ang mobile device ng kanyang kapatid ay nabili sa halagang P10,000 mula sa isang tao sa loob ng NBP.

Kinumparmi din ni Department of Justice Spokesperson Mico Clavano sa programa ni Tulfo na hanggang ngayon ay talamak ang smuggling ng mga kontrabando tulad ng cellphone sa loob ng NBP.

Noon pang 2019, ibinunyag ni dating Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) chief Aaron Aquino na pinahihintulutan ng ilang opisyal at tauhan ng BuCor ang mga preso na magkaroon ng cellphone basta’t may pambayad sila nito sa mas mataas na halaga.

Ayon kay Tulfo, kung wala sanang access ang mga bilanggo sa kontrabando tulad ng cellphones, maiiwasan ang mga pagpatay at iba pang krimen.

Iminungkahi niya ang mahigpit at masusing bodily search sa lahat ng empleyado ng BuCor na pumapasok sa NBP, mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang opisyal. Dagdag niya, ito ay dapat ipatupad at isagawa ng mga private security personnel.

“Maliban sa pagsasagawa ng regular search sa mga kubol ng inmates, dapat ay gumagawa din ng regular search sa mga opisina ng kawani ng BuCor dahil hindi naman maipapasok ang mga kotrabadando sa loob ng Bilibid, katulad ng cellphones at droga, kung walang sabwatan ang mga kawani at inmates nito,” ani Tulfo.

“Dapat ding magsagawa ng lifestyle check sa mga kawani ng ahensya para matigil ang malawakang korapsyon sa loob ng bilangguan. Ang iba kasi diyan, motor ang minamaneho pero all of a sudden, makikita mo na magandang kotse na ang gamit; o di kaya ay dati nangungupahan lang ngunit di magtatagal ay nakatira na sa isang magandang condo unit,” dagdag niya.

Iminungkahi ng mambabatas, kailangan din ng mahigpit na screening sa lahat ng mga materyales at bilihin na inihahatid sa loob ng mga tindahan sa NBP.

Dagdag pa ng mambabatas na gumamit ng x-ray screening device o pagkuha ng mga trained dogs para madaling madetect ang kontrabando.

Photo Credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila