Monday, November 25, 2024

Robin: Tiyaking Natutupad Ang Mga Batas Para Sa Pangkaraniwang Pilipino

15

Robin: Tiyaking Natutupad Ang Mga Batas Para Sa Pangkaraniwang Pilipino

15

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tiyaking natutupad ang mga batas lalo na sa pagprotekta sa mga magsasaka, katutubo, at pangkaraniwang Pilipino, paalala ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla.

Ito ang naging mensahe niya para sa mga kasalukuyan at magiging kapulisan, sundalo, bumbero at Coast Guard sa pagbubukas ng sportsfest ng National Police College sa Cavite.

“Sana sa inyong hanay, dahil kayo ang hahawak ng law and order, alam naman natin pag walang law and order, walang mangyayari sa bansa. Dahil kayo ang inaasahan naming magtatanggol sa ating mga kababayan, tulungan po ninyo, tulungan nyo sila,” ani Padilla.

Giit niya, “napakalaki ng responsibilidad” ng mga “Bayaning Unipormado,” 

Nanawagan rin ang mambabatas sa kapulisan na tiyakin na naunawaan ng nahuli ang dahilan sa kanyang pagka-aresto, at alam ang kanyang mga karapatan sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino at Ingles.

Matatandaang iminungkahi niya noong Hulyo 2022 ang isang panukalang batas na naglalayong isalin sa Filipino at iba’t ibang lokal na wika ang mga opisyal na dokumento ng pamahalaan.

Sinuportahan din ni Padilla ang patuloy na modernisasyon ng Bureau of Fire Protection para matapatan ang mga bumbero ng ibang bansa.

Inaalala rin niya ang kagitingan ng Navy at Coast Guard noong nagpunta siya sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea kung saan binisita niya ang mga naka-istasyon sa Naval Station Emilio Liwanag at BRP Sierra Madre.

“Ginunita naman ni Padilla ang kagitingan ng Coast Guard at Navy natin na sumama sa kanya sa pagpunta sa West Philippine Sea at nakipaghabulan sa mga barkong Tsino. Dahil sa kanilang katapangan, nakapaglagay si Padilla ng bandila ng Pilipinas sa isang islang pilit kunin ng mga Tsino,” ayon sa pahayag ng senador.

Binahagi rin niya sa kanyang talumpati ang napagtanto niya sa pagiging senador.

“Ang mga senador naman ninyo nagtatrabaho. At yan napatunayan ko. Noong araw wala akong ginawa kundi tirahin ang mga yan, ngayon naintindihan ko na. Ang mga senador ninyo gumagawa yan ng batas. At ang nagpapatupad ng batas, ang tinatawag nating implementor, ang executive,” dagdag ni Padilla.

Photo Credit: Facebook/ROBINPADILLA.OFFICIAL

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila