Nakuha ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang ika-unang pwesto sa buong Region 1 sa ginanap na SubayBAYANI Awarding Ceremony ng Department of Interior and Local Government (DILG), anunsyo ni Governor Rafy Ortega-David.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Ortega-David na iginawad sa La Union ang pagkilala para sa pagsisikap nito na isulong ang transparency at accountability sa pagpapatupad ng mga proyekto ng Local Government Support Fund.
“Asahan po ninyo na tuloy-tuloy tayo sa transparent, transformative, at People-Centered governance dito sa La Union!” aniya.
Ang nasabing pagkilala ay base sa SubayBAYAN – ang bago at pinahusay na DILG Infrastructure Monitoring System na sumasaklaw sa lahat ng lokal na pinondohan na proyekto na sinusubaybayan ng departamento. Layunin nitong itaguyod ang transparency at good governance sa gobyerno.
Kabilang sa mga kasama sa SubayBAYAN ay ang geo-tagging, map integration, physical and financial monitoring graphs, reports at iba pang mga kapaki-pakinabang na analytical tool.
Photo Credit: Facebook/GovRafy