Monday, November 25, 2024

Taas Sahod, Dagdag Trabaho Unahin Ng Gobyerno – Hontiveros

9

Taas Sahod, Dagdag Trabaho Unahin Ng Gobyerno – Hontiveros

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa Malacanang na mas makipagtulungan ito sa mga mambabatas para makagawa ng mga polisiya na magtataas ng sahod ng mga manggagawa at gagawa ng mga dagdag trabaho sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. 

Sa isang pahayag, diniin ni Hontiveros na ang mga batas na naglalayong pataasin ang sahod at gumawa ng mga panibagong trabaho ay dapat parte ng bagong Common Legislative Agenda (CLA). 

Ang CLA ay mga panukalang batas na nakita ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) na kailangang iprayoridad. Ilan sa kabilang sa LEDAC ay ang mga piling senador, kongresista, at ilang miyembro ng ehekutibo.

Sa kabila ng panawagan ni Hontiveros sa Malacanang, ikinalulugod naman ng senador ang utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magkaroon ng wage review.

Ayon kay Hontiveros, lahat ay apektado ng pagtaas ng presyo ng bilihin, mas lalo na ang mga mababa lang ang sweldo, mga freelance worker, at mga nawalan ng trabaho o kabuhayan.

“Dapat nang itaas ang sweldo ng manggagawa at mas maging aktibo tayo sa job creation sa buong bansa. Swift government response on those issues is needed, through new laws or executive issuances,” aniya.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na agad maaaksyunan ng gobyerno ang usapin sa taas sahod at dagdag trabaho kung ituturing ang mga ito bilang “priority legislative agenda.” Binanggit niya na sa listahan ng priority bills ng LEDAC noong nakaraang Oktubre ay walang mga panukalang batas na direktang makakapagpataas sa sahod o makakagawa ng dagdag trabaho.

“Let us not ignore the everyday struggles of our kababayans. Mas mabunga sana kung una sa agenda ng LEDAC ang paglikha ng trabaho, dagdag-sweldo, at ayuda sa mahihirap para may pambayad sila sa mas mahal na bilihin at utility services,” sabi ng senador.

Dapat pakinggan ng mga nasa ehekutibo at mga mambabatas ang panawagan ng mga labor group sa bansa, mas lalo ang mga panawagang umento sa sahod at iba pang hakbang na  makabubuti sa kalagayan ng mga manggagawa.

Kabilang dito ang P100 na umento na iminungkahi ng Partida Manggagawa na itinuturing na wage recovery upang masagot ang bawas halaga ng minimum wage sa National Capital Region at iba pang rehiyon.

Dagdag ni Hontiveros, dapat kabilang sa pag-aaral ng gobyerno sa taas sahod ay ang magiging epekto nito sa mga micro, small and medium enterprises kung saan hindi sila saklaw ng mga batas ukol sa minimum wage.

“Tamang kombinasyon ng tamang patakaran ang kailangan natin ngayon. Trabaho, sapat na sweldo, at kabuhayan ang dapat prayoridad ngayon dahil kapag meron nito ang mayorya ng ating mga kababayan, makakaya nilang salagin ang mga epekto ng masamang lagay ng ekonomiya,” aniya.

Bilang sagot sa maaring pagtutol ng mga business at economic manager, ipinaliwanag ni Hontiveros na ang wage recovery ay pwedeng maging simula ng usapin ukol sa ”bargaining power” ng empleyado at employer.

“[Wage recovery] must also be about the beginning of a national conversation regarding bargaining power in employee and employer relations on how labor can get a fair share of the rise in labor productivity beginning when economic growth became high and sustained fifteen years ago, while real wages stagnated all throughout that period,” aniya.

Kahit bumaba ang unemployment rate sa 5 percent noong Setyembre, mas tumaas ang underemployment rate sa 15.4 percent, ayon sa pahayag.

“Mas dumarami ang naghahanap ng raket at dagdag hanapbuhay dahil hindi na sapat ang kita sa iisang trabaho lamang. Kaya kailangan double time ang gobyerno na solusyunan ang problemang ito,” sabi ng senador.

Noong Mayo at Hunyo 2022, nagkaroon ng mga pagtaas ng minimum wage sa iba’t ibang rehiyon ayon sa utos ng mga regional wage boards na inaprubahan ng DOLE.

Photo Credit: Philippine News Agency

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila