Saturday, January 11, 2025

Sen. Tulfo: DepEd Confidential Fund Gamitin Para Protektahan Ang Mga Estudyante

6

Sen. Tulfo: DepEd Confidential Fund Gamitin Para Protektahan Ang Mga Estudyante

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpahayag ng buong suporta si Senador Raffy Tulfo sa inaprubahang P710 bilyong budget para sa Department of Education (DepEd) para sa 2023, ngunit iginiit niyang gamitin nang maayos ang confidential funds ng departamento para matiyak ang seguridad at proteksyon ng mga mag-aaral.

Sa isang panayam, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga estudyante mula sa mga child molester, kidnapper, drug dealer, at iba pang child predator.

Ipinahayag din ni Tulfo na dati siyang nakatanggap ng mga reklamo tungkol sa talamak na pambu-bully at pangha-harras mula sa mga hindi estudyante sa labas ng campus, at nais niyang matugunan ang mga problemang ito.

Ayon sa kanya, magagamit ang confidential funds para matukoy ang mga indibidwal na ito at maiwasang makabiktima ng mga estudyante. “We have to protect the welfare of the children. Kung sa Amerika, yung mga estudyante ang madalas nagiging biktima ng mass shooting, sa Pilipinas naman, may mga reports in the past na may mga pusher na nagbebenta ng droga sa paligid ng eskwelahan at iba pang criminal elements prowling the perimeters of the school.”

Ayon sa DepEd, napakaraming alegasyon ng “sexual grooming cases, sexual abuse, and cases of drugs being sold in schools.”

Dahil sa bigat ng trabaho ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), iminungkahi ng mambabatas mula sa Isabela at Davao na pangunahan ng DepEd ang intelligence networking o pangangalap ng impormasyon upang tumulong sa pagtugon sa mga naturang isyu.

Iminungkahi niya na ang sariling intelligence network ng DepEd, kaysa sa PNP at PDEA, ang gamitin para mas madaling matukoy ang mga nagsasamantala sa kawalan ng seguridad sa mga paaralan. Dagdag pa ni Tulfo, dapat tiyakin ng DepEd na matatanggap ng mga guro at paaralan ang buong halaga ng School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na nakalaan para sa departamento.

Binanggit ng senador ang mga reklamo na dati niyang narinig mula sa ilang mga guro sa pampublikong paaralan na napilitang maglabas ng pera mula sa sarili nilang mga bulsa para makabili ng mga pangangailangan sa silid-aralan, tulad ng chalk, eraser, at electric fan.

Iginiit niya na pinilit ng ilang mga guro ang mga estudyante na magbayad para sa mga serbisyo sa janitorial services, utility bills, seguridad at iba pang campus maintenance dahil sa kakulangan ng pondo. Sa panahong ito, ang ilang mga mag-aaral ay kinakailangang magdala ng “baon” upang makakain sa canteen, kung saan ang pera ay ginagamit para sa maintenance ng paaralan.

Ang mas masahol pa, ang mga mag-aaral na hindi makapag-ambag sa ganitong uri ng programa ay hindi pinahihintulutan na kumuha ng mga pagsusulit o dumalo sa graduation ceremonies.

Ang confidential funds ng DepEd ay may kabuuang P150 milyon sa ilalim ng panukalang 2023 National Expenditure Program, at ang MOOE nito ay P135 milyon.

Photo Credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila