Monday, November 25, 2024

‘Kadiwa ng Pasko’ Project Ng PBBM Admin, Makatutulong Sa Mga Farmers

3

‘Kadiwa ng Pasko’ Project Ng PBBM Admin, Makatutulong Sa Mga Farmers

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Libo-libong magsasaka at mangingisda ang makikinabang sa “Kadiwa ng Pasko” na proyekto ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, ayon sa pahayag ng Office of the Press Secretary (OPS).

Inilunsad ng pangulo ang proyekto sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City noong Miyerkules.

Ang paglunsad ng mga Kadiwa centers sa iba’t ibang panig ng bansa, ayon sa OPS, ay makatutulong sa mga magsasaka na umalis sa kontrol ng mga mapagsamantalang traders at middlemen.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng punong ehekutibo na layunin ng proyekto na paunlarin ang mga lokal na agriculture markets.

“Isa na itong Kadiwa ng Pasko na ipapagpatuloy natin kahit na pagkatapos ng Pasko, at ito ay isa sa mga maaaring gawin ng inyong pamahalaan para tulungan ang bayan para naman maging mas maluwag ang buhay ng ating mga kababayan,” pahayag ng pangulo.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga lokal na magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyo ng pamilihan kung saan pwede ibenta ang kanilang mga produkto at mga basic necessities.

Labing-apat na lokasyon sa buong bansa ang sabay-sabay na binuksan nitong Miyerkules – labing-isa sa National Capital Region at tig-isa sa Tacloban City, Davao De Oro, at Koronadal City, South Cotabato.

Ang Kadiwa ng Pasko project ay inilunsad sa koordinasyon ng Department of Agriculture upang magbigay ng abot-kayang mga bilihin, lalo na paparating na ang kapaskuhan. Ito’y sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Photo Credit: Facebook/opsgov

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila