Monday, November 25, 2024

Sen. Go Isinusulong Ang Dagdag ‘Super Health Centers’ Sa Bansa

15

Sen. Go Isinusulong Ang Dagdag ‘Super Health Centers’ Sa Bansa

15

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na palakasin ang public health services sa bansa, gusto ni Senator Christopher “Bong” Go na dumami pa ang mga Super Health Centers sa Pilipinas.

Sa isang video message, binigyang diin niya ang mga serbisyo na hatid ng mga Super Health Centers na nagbibigay ng pangunahing pangangailangan sa kalusugan.

“Isinulong po natin at ipinaglaban na magkaroon ng Super Health Center sa Aurora at Quiapo dahil alam ko po kung gaano ninyo kailangan na mapalapit sa inyo ang serbisyong medikal ng gobyerno,” sabi ni Go.

Ang Super Health Center ay mas pinabuting bersyon ng isang rural health center na nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng database management, outpatient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical unit.

Ang iba pang serbisyo na bigay ng super health center ay “eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers; physical therapy at rehabilitation center; at telemedicine.”

Ayon kay Go, makatutulong ang Super Health Centers upang mapagaan ang mga health care system sa bansa, lalo na at may pandemya pa. 

“Simula nang pumutok ang pandemya, nagulat po talaga ang ating health care system. Hindi tayo naging handa at nahirapan tayo. Kaya naman itong mga Super Health Centers ay isang paraan para mapagaan natin ang trabaho ng ating mga hospitals,” aniya.

Dati nang nasabi ni Go na balak ng gobyerno na magtayo ng 307 Super Health Centers ngayong taon at higit 300 sa susunod na taon.

Pinaalalahanan din ng mambabatas ang publiko na sumunod pa rin sa mga health protocols upang hindi kumalat ang COVID-19.

Malasakit Centers

Inalok din ni Go sa mga nangangailangan ng medical care na pumunta sa mga Malasakit Center.

Siya na nagsisilbing chair ng Senate Committee on Health and Demography, ang nagpanukala at nag-sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019. 

Sa ilalim ng batas, minamandato ang lahat ng ospital na pinapatakbo ng Department of Health at ang Philippine General Hospital sa Maynila na magtatag ng kanya-kanyang Malasakit Centers. Layon nitong tulungan ang mga pinakamahihirap na pasyente na mabawasan ang kanilang gastos sa ospital.

Sa kasalukuyan, may 152 na Malasakit Centers sa buong bansa.

Relief Effort

Nagsagawa rin ng relief effort ang opisina ni Go para sa 250 indigents ng Maynila noong Lunes, Nobyembre 14. Ito’y bilang sa kanyang pagsisikap upang tulungan ang “more vulnerable sectors” sa bansa na bumangon mula sa COVID-19 pandemic.

Namahagi ang kanyang tauhan ng pagkain, masks, at mga damit para sa mga mga residente ng Barangay 62. Nagbigay din sila ng mga cellphone, sapatos, at basketball at volleyball sa mga piling indibidwal.

Namigay rin ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development sa maga residente.

“Ubusin niyo ang pera para tulungan ang mga hopeless, helpless at walang matakbuhan. Ibalik niyo ang pera ng gobyerno sa mga mahihirap,”  panawagan ni Go. 

Photo Credit: Facebook/BongGoPage

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila