Isusulong ng House committee on poverty alleviation ang pag-apruba ng ilang hakbang sa para mabawasan ang kahirapan sa bansa, kabilang ang panukalang batas na magpapababa sa halaga ng mga gamot, ayon sa isang mambabatas.
“With the support of the Speaker, we will work on the passage of the proposed laws recommended to the committee by the National Economic and Development Authority (NEDA),” sabi ni Rep. Mikee Romero ng party-list group na 1-Pacman sa isang pahayag inilabas nitong Miyerkules.
“These measures are key to achieving the objectives of the eight-point socio-economic development agenda of the Marcos administration,” aniya.
Ang NEDA ay nagsumite ng kanilang mga panukala sa komite noong Martes. Bahagi ito ng briefing na isinagawa ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon sa pangkalahatang kalagayan ng kahirapan sa bansa.
Bukod sa iminungkahing Drugs and Medicines Regulation Act, ang inirerekumendang hakbang sa pagsugpo sa kahirapan ay Rental Housing Subsidy Bill, National Land Use Act, Pandemic Resiliency Bill, Young Farmer and Fisherfolk Challenge Program, Unified System of Separation, Retirement and Pension, at institutionalization ng programa na Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Sinabi ni Romero na ang mga hakbang na ito ay nakabinbin ngayon sa kanyang komite at iba pang kinauukulang panel ng Kamara.
Dagdag pa niya, iminungkahi din ng NEDA ang ganap na muling pagbubukas ng ekonomiya at ang pagpapatuloy ng face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa buong bansa.
“We can adopt these suggestions provided that we continue to remain vigilant against Covid-19 by following the necessary health protocols, like wearing of a face mask, frequent hand washing and observing physical distance,” pahayag ng mambabatas.
Sinabi niya na ang pagpapatuloy ng economic activities sa lahat ng mga sektor “will lead to the restoration and creation of employment opportunities and income for our people.”
Ayon sa NEDA, ang pandemya ay nagresulta sa pagkawala ng mga trabaho, na nag-ambag naman sa pagtaas ng insidente ng kahirapan sa bansa.
Ang mga datos nito ay nagpakita na ang employment rate ay bumaba mula 94.7 percent (ng labor force) noong 2018 hanggang 92.1 percent noong 2021, habang ang unemployment ay tumalon mula 5.3 percent hanggang 7.9 percent.
Lumawak ang underemployment mula 16.4 porsiyento hanggang 17.5 porsiyento sa parehong panahon.
Inirerekomenda din ng NEDA ang higit pang mga programa na magbibigay o magpapalakas ng mga kasanayan at kaalaman, at mas maraming pamumuhunan sa pananaliksik at pagpapaunlad, at teknolohiya.
Photo Credit: Philippine News Agency