Kailangang tiyakin ng gobyerno ang pagkakaroon “adequate, reliable, and safe transportation” sa kabila ng magiging dagsa ng mga biyahero ngayong kapaskuhan, ayon kay Senador Grace Poe.
“For millions whose only option is to take the public transportation, public utility vehicles (PUVs) should be readily and safely accessible,” aniya.
“Concerned agencies should work closely with transportation groups and private operators to see to it that there are sufficient number of PUVs to transport our people safely to their destinations,” sabi ni Poe.
Ngayong paparating na kapaskuhan, sinabi ng mambabatas na inaasahang maraming bibiyahe sa iba’t ibang lugar sa bansa.
“The lack of PUVs could open the way for fly-by-night and other colorum vehicles that could jeopardize the safety of our riding public,” dagdag niya.
Aniya, may mga hindi awtorisadong “for-hire vehicles” na sobrang mahal ang singil sa pamasahe. Dagdag pa ni Poe, bumabyahe sila sa mga daan na hindi nagsasagawa ng tamang safety checks na nagdudulot ng road hazard at dagdag panganib sa publiko.
Sinabi niya ang panawagan habang ginugunita ang National Day of Remembrance for Road Crash Victims, Survivors and Their Families.
Ang Republic Act (RA) No. 11468 ay nagtatalaga ng “National Day of Remembrances for Road Crash Victims, Survivors, and Their Families” sa pangatlong Linggo ng Nobyembre.
Naisabatas ang RA 11468 noong 2020 kung saan inaalala ang mga nawalang buhay at mga nasaktan sa mga road accident at isinusulong ang road safety.
Si Poe ang author at principal sponsor ng batas.
Umaasa ang senador na sa pag-alala sa mga biktima ng mga road accident ay magkakaroon ng aksyon upang hindi na magkaroon pa ng mga aksidente sa daan.
“The road tragedies leave a lesson that they should not be repeated, and remind us that the path to safe travels is a shared responsibility,” sabi ni Poe.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, may naitalang 5,455 namatay dahil sa mga “transportation accidents” mula Enero hanggang Hulyo 2022. Ikalabing-dalawa ang mga road crash accident sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas sa panahon na iyon.
Photo Credit: Philippine News Agency