Isinusulong ni Senador Mark A. Villar ang Senate Bill No. 1528 o ang 13th Month Pay Law for Contractual and Job Order Personnel na naglalayong mabigyan ng benepisyo ang lahat ng mga empleyado ng gobyerno.
“Contractual workers (COS) and job order (JO) personnel play a vital role in government service. They fulfill their duties diligently and passionately comparable to permanent government employees. Notwithstanding, they are not entitled to mid-year and year-end bonuses, such as the 13th-month pay, among other benefits,” aniya sa explanatory note.
Ang mga benepisyo tulad ng mga mid-year at year-end na bonus, na natatanggap ng mga regular o permanenteng empleyado ng gobyerno, ay hindi natatanggap ng mga JO at kontraktwal.
“Sa aking panunungkulan bilang Kalihim ng DPWH (Department of Public Works and Highways), nakita ko na ang panggangailan na ito ng mga empleyado. Kaya ngayon bilang Senador, naghain ako ng panukalang batas na nagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa natin sa pambansa at lokal na gobyerno,” diin ni Villar.
Ang panukalang batas ay naglalayong magbigay ng 13th-month pay sa lahat ng empleyado ng gobyerno, anuman ang estado ng kanilang trabaho.
“In light of the persistent rise in the inflation rate, which led to an extraordinary increase in prices of food, fuel, and other commodities, Filipino workers, including contractual and job order personnel of the government face greater hardships in their lives. Contractual and job order personnel lack security of tenure,” dagdag nito.
Binigyan diin ng mambabatas na base sa Senate Bill No. 1528, ang minimum na maaaring makuha para sa mga JO at kontraktwal ay hindi bababa sa kalahati ng kanilang buwanang kita.
“Ang pagpasa ng naturang panukala ay dapat gawing prayoridad habang may natitira pang panahon. Ito ay upang masuklian ang hindi matatawarang kontribusyon at serbisyo ng mga JO sa ating pamahalaan. Munting pasasalamat lamang sa kanilang sipag, sakripisyo at pagsisiguro na naibibigay ng gobyerno ang mga programa sa mga kababayan natin sa buong taon” aniya.
Ang adaptasyon ng panukalang batas na ito ay batay sa kamakailang na-publish na Joint Circular No. 2 ng Department of Budget and Management at ng Commission on Audit, na nagpapalawig sa serbisyo ng mga JO at COS sa gobyerno hanggang Disyembre 2024.
Tinatayang nasa 642,000 na mga hindi permanenteng empleyado ng gobyerno ang maaaring makatanggap kung maipasa sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukalang batas.
Photo Credit: Philippine News Agency website