Sunday, December 1, 2024

Go Sa Gobyerno: Isaalang-Alang Ang Ayuda Para Sa Mahihirap

6

Go Sa Gobyerno: Isaalang-Alang Ang Ayuda Para Sa Mahihirap

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang pambansang pamahalaan na tingnan ang posibilidad ng pagbibigay ng subsidy sa mga low-income household at strategic sector sa gitna ng epekto ng tumataas na inflation.

Sa isang ambush interview, idiniin niya na ang pagtaas ng inflation ay dala pa rin ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Iminungkahi ni Go na pag-aralan ng gobyerno ang posibilidad ng pag-subsidize at pagtulong sa mga low-income household at mga estratehikong sektor na pinakatinatamaan ng pagtaas ng presyo.

“Nananawagan ako sa Executive Department kung pwede pong magbigay ng mga ayuda pa sa mga apektado dito. Subsidy, halimbawa, sa mga tsuper, subsidy sa kanilang pagmamaneho, fuel subsidy sa mga mahihirap,” aniya.

Ayon sa Philippines Statistics Authority, ang taunang inflation para sa buwan ng Nobyembre ay tumalon sa 8.0%, ang pinakamataas na rate ng pagtaas sa loob ng 14 na taon, bilang resulta ng pagtaas ng presyo ng pagkain.

Ang naiulat na bilang ay mas mataas kaysa sa 7.7% na nakita sa mga numero ng inflation noong Oktubre at mas mataas sa 7.8% na pagtatantya ng Reuters. Ang mas malaking paggasta sa pagkain ang nagdulot ng malaking pagtaas.

Ang mga pananim tulad ng mga gulay, palay, at prutas tinamaan ng mga nagdaang bagyo, na nag-aambag sa mas mataas na presyo ng pagkain.

Sinabi ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan sa isang pahayag na “[t]he government is continuously implementing targeted subsidies and discounts to allay the impact of the higher prices of essential goods, especially for the vulnerable sectors and low-income earners of our society.”

Sa huli, hinimok ni Go ang Department of Trade and Industry na bantayan ang mga presyo at tiyaking walang magsasamantala sa sitwasyon. Binigyang-diin din nya na ang bawat sentimo ay mahalaga sa karaniwang Pilipino.

“Walang dapat mag-take advantage sa sitwasyon dahil hirap po ang mga PIlipino. Bawat piso po ay napakahalaga sa ordinaryong Pilipino lalung-lalo na po ‘yung mahihirap,” aniya.

Photo Credit: Philippine News Agency website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila