Muling tiniyak ng Office of the Vice President (OVP) na walang dapat bayaran sa pagkuha ng application forms para sa social services nito.
“The OVP has been receiving reports from several individuals on the sale of public assistance application forms which are used to document client profiles applying for Medical and Burial Assistance Program (MABP),” sinabi nito sa isang pahayag.
Ang tulong medikal at burial ay kabilang sa social services na ipinapatupad ng OVP, at ito ang pinakamaraming hinihiling na tulong ng mga marginalized na Pilipino.
Nitong Disyembre 2, nakinabang na ang tulong na programa sa 19,910 indigent Filipinos na may ayuda na nagkakahalaga ng P179,591,068.67, ayon sa OVP.
Bukod sa OVP Central Office sa Mandaluyong, nagbibigay din ng tulong medikal at burial sa pitong OVP Satellite Office sa buong bansa.
“The OVP also emphasised that the free public assistance application forms are available in the central and satellite offices and should solely be used by the clients requesting for such services,” dagdag nito.
Photo Credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial