Nagbahagi ng tulong pinansyal si La Union Governor Rafy Ortega-David sa Boy Scouts at Girl Scouts of the Philippines bilang pagsuporta sa mga programa ng mga nasabing samahan.
“I was with the Boy Scouts and Girl Scouts of the Philippines to distribute their annual financial assistance amounting to Php 200,000 each,” anunsyo niya sa social media.
Sa pamamagitan ng taunang tulong pinansyal, sinabi ni Ortega-David na maaaring palawakin ng mga samahan na ito ang kanilang mga aktibidad para sa ikabubuti ng kanilang mga miyembro.
“I look forward to seeing the fruition of your activities! Excited narin po akong makita na mas marami pang mga bata ang makikilahok sa mga programang para sa ating bayan,” dagdag niya.
Ang Girl Scouts of the Philippines Girl ay isang samahan na nagtataguyod ng mga character building and youth development program at aktibong nag-aambag sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
Ang Boy Scouts of the Philippines naman ay tumutulong sa kabataan upang maging responsableng mamamayan at maging lider sa hinaharap.
Photo credit: Facebook/GovRafy