Tuesday, November 26, 2024

Mga Guro Nakatanggap Ng Laptop Mula Kay La Union Gov. Ortega-David

0

Mga Guro Nakatanggap Ng Laptop Mula Kay La Union Gov. Ortega-David

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinasalamatan ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang mga guro sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga bagong laptop na magagamit nila sa kanilang mga klase.

“While our educators continue to shape leaders of the future in the best way, we also continue to show our appreciation to them! Nakapagdistribute po tayo ng additional laptops para sa ating mga guro,” anunsyo niya sa social media.

Dagdag ni Ortega-David, siya ay naniniwala na ang mga laptop na ito ay magiging malaking tulong sa mga guro lalo na sa paggawa ng kanilang mga lesson plan at presentation para sa mga bata.

“Dito sa La Union, kasangga natin ang ating mga guro sa #LaUnionPROBINSYAnihan. We continue to celebrate and value their  roles in strengthening the communities and building our nation. Sa aming mga guro, saludo kami sa inyo!” aniya.

Sa ginanap na awarding ceremony ng “Search for Outstanding Teachers in the Province” noong Oktubre ng nakaraang taon, ipinahayag ni Ortega-David ang kanyang malaking pag-asa na makakatulong ang mga guro sa pamahalaang panlalawigan sa pagtuturo ng kaprobinsiaan at palakasin ang sektor ng edukasyon sa lalawigan.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila