Monday, November 25, 2024

Rep. Nograles Pinuri Ang DepEd Sa Planong Legal At Pinansyal Na Payo Sa Mga Guro

27

Rep. Nograles Pinuri Ang DepEd Sa Planong Legal At Pinansyal Na Payo Sa Mga Guro

27

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinuri ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang Department of Education (DepEd) sa plano nitong pagbibigay ng legal at pinansyal na payo sa mga guro upang ma-i-iwas silang mabiktima ng mga loan shark.

“Magandang hakbang ang planong ito ng DepEd sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte upang maprotektahan ang ating mga guro laban sa mga loan shark at iba pang mapang-abusong uri ng pagpapautang,”  aniya sa isang pahayag.

Inanunsyo kamakailan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kasalukuyang pakikipag-ugnayan ng departamento sa mga lawyer groups at iba pang institusyon para magbigay ng libreng konsultasyon sa mga loan contract na maaari nilang pirmahan.

Binanggit rin ni Nograles, na pinamumunuan ang House Committee on Labor and Employment, na ang aksyon ni Duterte ay makakapag-bigay ng sapat na kaalaman sa mga guro bago sila pumirma ng loan contract.

“Dahil sa kagipitan, marami sa ating mga guro ang pumipirma ng mga kontratang ikapapahamak nila para may pangtustos sa kanilang pamumuhay, o ‘di kaya’y uutang para pambayad sa iba pang utang. We have to implement steps to ensure that their vulnerability is not taken advantage of by predatory lenders,” aniya.

Noong Disyembre, nagbigay ng memorandum ang DepEd kung saan ipinagbabawal ang private lender at loan shark na hindi konektado sa ahensya na mangolekta ng bayarin at designated payout sites ng one-time service recognition incentive sa mga guro ng mga pampublikong paaralan at mga empleyado.

Ayon sa DepEd, umabot ng P157.4 billion ang outstanding loans at accrued interest ng mga guro sa Government Service Insurance System (GSIS) noong 2019.

Photo credit: PTV News Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila