Nanawagan si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na bigyan muna ng pagkakataon ang mga jeepney operator at mga tsuper na makabangon mula sa epekto ng pandemya bago ipagpatuloy ang modernisasyon ng mga jeepney.
Nagbigay siya ng pahayag matapos na isulong sa Senado ang pag-postpone ng phaseout ng tradisyonal na jeepney sa June 30 bilang parte ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
“Hindi makatutulong kung magpapalitan tayo ng paliwanagan na magdudulot ng ating pagkakahati-hati dahil sa dulo ng lahat ng ito ay dapat makitaan tayo ng pagkakaisa bilang isang Pilipino,” ayon kay Revilla.
Dagdag rin niya na magbigay ng suporta sa paghahanap ng solusyon kung paano mareresolba ang mga pagsubok na hinaharap ng mga jeepney operator at tsuper.
“Suportahan natin ang isa’t-isa at paghupa ng sitwasyong ito ay sama-sama nating makikita ang solusyon kung paano natin ireresolba ang pagsubok na ito sa pagitan ng pamahalaan at ng ating mga operator at tsuper,” pahayag ng mambabatas.