Sunday, January 12, 2025

Rep. Salo Nanawagan Ng Tulong Para Sa 83 OFW Na Nasa Death Row

9

Rep. Salo Nanawagan Ng Tulong Para Sa 83 OFW Na Nasa Death Row

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpahayag ng pagkagulat si KABAYAN Partylist Representative Ron Salo sa mga ulat na 83 Pilipino sa ibayong dagat ay kasalukuyang nasa death row, kaya’t siya ay nanawagan para sa pag-repaso sa kanilang mga kaso at upang ipaalam sa pangkalahatang publiko ang malungkot na katotohanang ito.

Sa briefing nitong Huwebes sa House Committee on Overseas Workers Affairs na pinamumunuan niya, ibinunyag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 56 sa mga kasong ito ay nasa Malaysia. Ang natitira ay nasa United Arab Emirates, Saudi Arabia, Indonesia, Bangladesh, China, Vietnam, USA, Japan, at Brunei.

“It is surprising how many of our Filipinos overseas are facing death row and most of us are not aware of it,” sabi ni Salo. “The most recent case of Mary Jane Veloso, the only one in Indonesia, wildly agitated our political landscape for quite some time; now, how do we make of these 83 cases?,” tanong niya.  

Patuloy ng mababatas na huwag kalimutan na ang 83 Pilipinong ito ay hindi lamang estadistika, ngunit sila ay kinakatawan ang buhay ng mga Pilipinong nagsikap na humanap ng mas magandang buhay para sa kanilang mga pamilya, ngunit nalugmok sa mahirap na panahon. 

“In all this, we must do all that we can to assist them and their families,” aniya.

Paliwanag naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortes na karamihan sa mga kasong ito ay pinal at executory na, at ang tanging posibleng remedyo ay ang pagkuha ng pardon. Ipinapakita ng mga datos ng DFA na karamihan sa mga kaso ay may kinalaman sa droga at pagnanakaw.

“As our only hope is a presidential pardon, I am appealing to our DFA and DMW to immediately undertake the necessary interventions and representations on our Kabayans’ behalf,” sabi ni Salo.

Prayoridad ng gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng DFA at ang bagong likhang Department of Migrant Workers na magbigay ng tulong sa mga distressed overseas Filipino workers (OFW), aniya. 

“But, finding out that we have these 83 Filipinos working abroad about to be executed should make us pause and assess how we can do more,” dagdag ni Salo. Idiniin din niya na dapat pagsikapang bawiin hindi lamang ang kanilang mga kalayaan, kundi pati na rin ang kanilang mahalagang buhay.

Talagang malaki ang magiging halaga kung lalo pang pag-iibayuhin ng gobyerno ang proactive monitoring sa kapakanan ng mga OFW, lalo na iyong mga nakakulong, hinaing ni Salo.

“Being in a foreign country is sad and lonely enough for our kababayans; the least that they should have, most especially in difficult times, is some comfort in knowing that their government is always there for them,” patuloy niya.  “We owe it to them and to their families,” pagtatapos ni Salo.

Photo credit: House of Representatives Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila