Aprubado sa third at final reading sa House of Representatives (HoR) ang resolution na nagsusulong sa constitutional convention (con-con) para sa pag-amyenda ng mga economic provision ng Saligang Batas kung saan 301 sa mga kinatawan ang pabor sa resolution, anim ang tutol dito, at isa ang nag-abstain sa pagboto.
Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, principal authors ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Camarines Sur Second District Representative Luis Raymund Villafuerte Jr., and House Committee on Constitutional Amendments chair and Cagayan de Oro City Second District Representative Rufus Rodriguez.
Pahayag ni Romualdez na nais ng HoR na limitahan ang pag-amyenda sa mga “restrictive” economic provision ng Saligang Batas para magkaroon ng mas maraming foreign investment sa bansa.
“We need additional investments that would create more job and income opportunities for our people. We need increased capital to sustain our economic growth momentum,” aniya.
Pahayag rin ng mambabatas na ang mga investment reform sa pamamagitan ng pag-amyenda ng mga economic provision ng Saligang Batas ang maaaring “final piece in the puzzle” para mapabuti ang ekonomiya at investment sa bansa.
Inindorso ng Committee on Constitutional Amendments ang RBH No. 6 matapos ang ilang pampublikong pagdinig at konsultasyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ayon sa resolusyon, ang pagsasagawa ng con-con ay ang pinaka-transparent, demokratiko, at hindi mapanghati na pamamaraan ng implementasyon ng constitutional reforms.
“Extensive studies show that particular economic provisions of the 1987 Constitution need to be revisited and recrafted so that the Philippines may become globally competitive and attuned with the changing times,” ayon sa resolution.
Isang hybrid assembly ng mga elected at appointed na miyembro ang nais na isagawa para sa con-con. Ang eleksyon at appointment ng mga delegado sa con-con ay isasagawa kasabay ng eleksyon para sa barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre 30, 2023.
Ang mga detalye ng eleksyon at appointment ng mga delegado sa con-con ay makikita sa bill na ipapasa ng Kongreso.
Photo credit: Facebook/HouseofRepresentativeofthePhilippines