Isinulong ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte at dalawa pang mambabatas ang panukala kung saan maaaring ikulong ang mga indibdwal na nakasuhan ng pananamantala, pagpapabaya o pang-aabuso sa mga matatanda.
Kasama ni Duterte sina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap sa pagsulong ng House Bill (HB) 4696 o ang Anti-Elder Abuse Act para magkaroon ng senior citizen help desk sa mga barangay upang mabigyan ng pansin ang victim-survivors ng elder abuse.
Kasama rin sa panukala ang pag-direkta sa Department of Justice (DOJ) na magkaroon ng mga special prosecution unit na hahawak sa mga kaso ng karahasan laban sa mga senior citizen.
“Elderly citizens, like our lolos and lolas, should be honored, cared for and respected. Unfortunately, many of our senior citizens still suffer abuse and most of the time, even from the very people who are supposed to care for them, as shown by news reports and reliable posts in social media. Worse, many cases of elder abuse go unreported and unpunished. Our bill aims to prevent these,” pahayag ni Duterte.
Sa ilalim ng panukala, kasama sa karahasan laban sa mga senior citizen ang “physical abuse or infliction of pain or injury with the use of physical force resulting in bodily injury, physical harm, pain or impairment, suffering or distress; and psychological, mental or emotional abuse causing mental or emotional suffering or distress.”
Bukod dito, kasama rin sa uri ng pang-aabuso laban sa matatanda ang manipulasyon sa pamamagitan ng ilegal o di tamang paggamit ng pondo ng senior citizen at economic o pinansyal na abuso.
Kasama sa karahasan laban sa mga senior citizen ang abandonment o desertion ng indibidwal na may kustodiya o responsibilidad na alagaan ang senior citizen.
“Elder abuse does not only cover the intentional act, but also the failure to act on the needs of the elderly,” ayon sa mga mambabatas.
“This measure seeks to ensure that our senior citizens are given protection from all forms of violence, abuse, neglect, exploitation and coercion, especially acts detrimental to their personal safety and security,” dagdag nila.
Sa ilalim ng panukala, isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan na pagkakakulong ng pinakamababang uri ng parusa para sa mga indibidwal na nahatulan ng karahasan laban sa mga matatanda na nagdulot ng pisikal na pinsala.
Ang karahasan laban sa matatanda na tangkang parricide, murder o homicide at ang karahasan na nagdulot ng mutilation ay may karampatang parusa ayon sa provisions ng Revised Penal Code.
Ayon rin sa panukala, ang mga nahatulan ng pang-aabuso sa mga matatanda na nagdulot ng seryosong pinsala ay mapaparusahan ng anim na taon at isang araw hanggang anim na taon. Ang mga pang-aabuso sa matatanda na nagdulot ng hindi malalang pisikal na pinsala ay hahatulan ng anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon na pagkakakulong.
Ang iba pang uri ng karahasan laban sa matatanda ay mapaparusahan ng prision correccional at multa na mula P100,000 hanggang P300,000.
Ayon sa panukala, kinakailangan ring sumailalim sa psychological counseling o psychiatric treatment ang mga indibidwal na nahatulan ng karahasan laban sa matatanda.
Sa ilalim ng bill, obligado ang Department of Social Welfare and Development na bigyan ang mga senior citizen na biktima ng karahasan ng ligtas na tahanan, counseling, healing, recovery, and rehabilitation services, at iba pang programa upang siguraduhin ang kanilang kaligtasan. Kailangan rin ng Department of Health na magbigay ng medical aid para sa mga biktima ng karahasan.
Sa ilalim ng bill, maaari ring magsampa ng file protection orders ang mga biktima ng elder abuse.
Photo credit: Dumaguete City Official Website