Pinangunahan ni La Union Governor Rafy Ortega-David ang pagbabahagi ng best practices ng kanyang lalawigan sa probinsya ng Bataan.
Sa isang social media post, sinabi niya na mas pinatatag ang relasyon ng La Union at Bataan dahil sa pagkakapirma ng isang kasunduan sa pagitan ng dalawang lalawigan.
“We have solidified the La Union-Bataan Union (LUB U) through our MOA Signing with our Sister Province – 1Bataan.”
Ayon kay Ortega-David, pinangunahan ni Governor Joet Garcia at Vice Governor Cris Garcia ng Provincial Government of Bataan ang pagbisita sa La Union.
“Nandito po ang delegation ng Provincial Government of Bataan para po sa Best Practices Sharing ng ating Tourism and Ecozone Initiatives, as well as for our Sister Province MOA signing,” aniya.
Pinaalala rin ni Ortega-David na noong Oktubre ng nakaraang taon ay nagpunta naman ang delegasyon ng La Union sa Bataan upang matutunan ang best practices ng probinsya sa public-private-partnerships.
“Ngayon naman po ay nandito sila para makapagshare rin po tayo ng best practices natin. I hope you all love and enjoy the La Union experience!,” aniya.
Photo credit: Facebook/GovRafy