Friday, November 29, 2024

Special Polling Precincts Para Sa Mga PWD Itinutulak Ni Estrada

3

Special Polling Precincts Para Sa Mga PWD Itinutulak Ni Estrada

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naghain si Senador Jinggoy Ejercito Estrada ng panukalang batas na magsisiguro ng pagkakaroon ng eksklusibong mga polling precinct para sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWD) tuwing araw ng halalan.

Bagama’t mayroon nang batas na nagtitiyak ng presinto para sa mga PWD at senior citizen, sinabi niya sa isang pahayag na kailangang maging mas malinaw sa batas ang pagtatatag ng mga kinakailangang imprastraktura upang siguruhin na maginhawang makaboboto ang mga miyembro ng vulnerable sector.

Iminungkahi ni Estrada na partikular na isaad sa Section 2 (j) ng RA 10366 o ang “An Act Authorizing the Comelec to Establish Precincts Assigned to Accessible Polling Places Exclusively for PWDs and Senior Citizens” na ang mga espesyal na lugar ng botohan ay dapat madaling mapuntahan ng pampublikong transportasyon, walang anumang pisikal na hadlang at may mga kinakailangang imprastraktura at serbisyo tulad ng rampa, railing, bangketa, sapat na ilaw, bentilasyon at iba pa para sa mga PWD at senior citizen.

Nais rin niyang mailagay ang mga espesyal na presinto ng botohan sa mga pampublikong paaralan, bulwagan ng bayan o plaza, civic center, community center o iba pang katulad na lugar na makakatugon at makakatiyak ng kanilang kaligtasan at kaginhawahan.

Sa kabila ng pagkakaroon ng nasabing batas, ipinunto ng mambabatas na maraming mga senior citizen ang patuloy na nawawalan ng karapatan sa pagboto.

Nang isinagawa ang halalan noong 2019, sinabi niya na tatlong porsyento lamang o 200,000 sa walong milyong rehistradong botante na mga senior citizen ang aktwal na bumoto.

“Ang mababang bilang ng bumoto sa sektor na ito ang nagbibigay diin sa kahalagahan at pangangailangan na pagtibayin ang batas na tinitiyak ang access sa ating mga polling precincts,” dagdag ni Estrada.

“Sa huli, ang batas na ito ay naglalayon na protektahan ang konstitusyunal na karapatan ng bawat botante na bumoto at itaguyod ang partisipasyon ng mas nakararami sa tuwing may halalan,” aniya.

Idiniin pa ng senador na layon ng batas na matiyak na maisasakatuparan ang karapatan ng bawat botante sa pakikilahok sa pulitika ng walang diskriminasyon, paghihigpit o limitasyon.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila