Ipinangako ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang patuloy na pagpapalakas sa creative industry sa bansa sa ikalawang Philippine Creative Industries Summit na pinangunahan ng Department of Trade and Industry.
Ang summit ay nagsisilbing plataporma para magtipon-tipon ang mga institutional partners at stakeholders sa bansa para sa mga diskusyon at mapahusay ang kasalukuyang kalagayan ng mga creative industry sa bansa.
“With the passage of the Republic Act 11904 or the Philippine Creative Industries Development Act, which I co-authored in the previous congress, our contemporary and traditional artists, creatives, and entrepreneurs who have been an integral part of our culture and economy are safeguarded and supported,” pahayag ni Legarda.
“The passage of RA 11904 is significant, especially since our creative industries sector needs a boost from the losses they incurred because of the global restrictions imposed in 2020,” aniya.
Idiniin ng mambabatas na mas marami pa ang maaaring gawin para suportahan at protektahan ang creative industry sa bansa, kung saan tinataya na mahigit limang milyong trabaho ang naibigay ng industriya noong 2021, o 11.6 porsyento ng kabuuang national employment.
Ipinunto rin niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng karagdagang resources at oportunidad para sa paghubog ng talento ng mga manlilikha.
“As mentioned in the 2023-2028 Philippine Development Plan, this sector deserves more proactive programs and collaboration of concerned sectors. We can provide funding, spearhead active promotions, help develop the capacities of our artists, develop centers of creative excellence, arrange incubation spaces for Filipino creatives to collaborate, and showcase the assets of the country in creative tourism while protecting our creative workers,” aniya.
Pinangunahan rin ni Legarda ang iba’t ibang programa para sa itaguyod ang talento, kultura, pamana, at tradisyon ng mga Pilipino katulad ng National Arts and Crafts Fair, Manila FAME na inorganisa ng Center for Trade Expositions and Mission at ang School of Living Traditions kung saan ipinapakita ang pagkamalikhain ng mga indigenous community.Â
Bilang parangal sa talento at pagkamalikhain ng mga Pilipino, binanggit rin niya ang mga tagumpay ng mga Pilipino sa creative industry katulad nina direktor Brillante Mendoza, mga aktor na sina Nora Aunor, John Arcilla, at mananahi na si Sammy Buhle ng Ifugao.
“Our creative industries are built on the foundation of creativity and not by profit or economy. It is the driving force behind their success. As such, it is crucial that we ensure our creative artists are nurtured and protected,” dagdag ng senador.
Photo credit: Facebook/QCGov