Aprubado ang substitute bill na magtatayo ng Level 3 na ospital para sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa ilalim at kontrol ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pagdinig sa House Committee on Health na pinangunahan ni Batanes Representative Ciriaco Gato Jr..
Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, papalitan ng panukala ang House Bill 479, 1275, 1643, 2058, 4123, 4195, 5114, 5928, at 6111.Â
Ayon kay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na may-akda ng House Bill 479, ang pagtatayo ng specialty government hospital para sa mga OFW ay isang paraan ng pagkilala sa ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtugon sa kalusugan at mga hinaning nila.
“Overseas Filipino workers are the unsung modern-day heroes of the Philippines as they brave working and living in foreign lands or ocean-going vessels to support and uplift the lives of their families back home, and their regular remittances have greatly contributed to the stability and growth of the Philippine economy,” pahayag ng mambabatas.
Sa ilalim ng House Bill, 4195, ang mga layunin ng OFW Hospital ay magbigay ng komprehensibo at kabuuang health care services sa mga migrant worker, at pagkakaroon ng mga medical examination para sa mga magiging overseas contract worker na may aprubado na job order.
Magsisilbi rin ito bilang primary referral hospital para sa mga repatriated OFW na nangangailangan ng medical assistance at bantayan ang kondisyon ng mga pasyente at magbigay ng datos na makakatulong sa paggawa ng mga polisiya.
Sa ilalim ng panukala, kinakailangan rin siguraduhin ng DMW secretary na ang kasalukuyang mga health benefit at medical assistance program ay matibay, at kasama dapat ang mga subsidiya para sa hospitalization at medical procedure.Â
Photo credit: Facebook/OFWHospital