Monday, November 25, 2024

Sen. Revilla Sa DTI: Imbestigahan Ang Pagtaas Ng Bilihin Sa Oriental Mindoro

12

Sen. Revilla Sa DTI: Imbestigahan Ang Pagtaas Ng Bilihin Sa Oriental Mindoro

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inutusan ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na imbestigahan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Oriental Mindoro pagkatapos niyang pangunahan ang relief operations para sa mga apektado ng oil spill sa probinsya.

Binisita ni Revilla ang Bulalacao, Roxas, Pinamalayan, Pola, at Naujan, kung saan nakipag-ugnayan siya sa mga lokal na opisyal para magbigay ng cash assistance at family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, Mayor Ernilo Villas, Leo Cusi, Aris Baldoz, Jr., Jennifer “Ina Alegre” Cruz, at Henry Joel Teves, Jr., mayroong pagtaas ng mga bilihin katulad ng bigas, baboy, manok, at gulay noong nagkaroon ng oil spill.

“Nakakabahala ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa mga apektadong bayan sa Oriental Mindoro. Wala na ngang makain ang mga tao dahil nalason na ang mga isda at ibang lamang-dagat. Wala nang mahuli. Tapos pumalo pa sa taas ang presyo ng mga pamilihin! Dapat kumilos na ang DTI para siguruhing walang nagsasamantala sa pangyayaring ito. Wag niyong hayaan na lalong magdusa ang mga tao sa Mindoro,” pahayag ni Revilla.

Binanggit rin niya sa Trade department na dapat magkaroon ng mahigpit na monitoring at pagwawasto sa irregularity para mapanatili ang presyon ng mga bilihin. 

“Marami tayong batas na nagbibigay kapangyarihan sa DTI na siguruhin na hindi basta-basta tataas ang presyo ng mga bilihin lalo na sa panahon ng sakuna. Dapat ay mahigpit na ipatupad ito lalo na at naghihirap na ang ating mga kababayan sa Oriental Mindoro,” dagdag ng mambabatas.

Binanggit rin ni Revilla na pinangungunahan ng Department of Labor and Employment ang implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Project para makatulong sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

“Sisiguruhin nating wala tayong kababayan na maiiwan. Aagapay tayo sa abot ng ating makakaya. Ngayon nila dapat lalong maramdaman na kasama nila ang gobyerno sa pagbangon,” aniya.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila