Sunday, November 24, 2024

Sen. Marcos: Support Programs Para Sa Mga OFW Dependent Palakasin

12

Sen. Marcos: Support Programs Para Sa Mga OFW Dependent Palakasin

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinimok ni Senador Imee Marcos ang Department of Migrant Workers at mga grupo ng overseas Filipino workers (OFW) na bigyang-pansin ang paggawa ng mga programa para suportahan ang mga pamilya ng mga OFW.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, binanggit ito ni Sen. Marcos sa kanyang pagbisita kasama si Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) Chief Arnel Ignacio sa burol ng apat na anak ng OFW na si Virginia Dela Peña.

Pinatay ng kanyang live-in partner sa Trece Martires City sa Cavite ang apat niyang anak bago ito ay magpakamatay din noong Marso 9.

Sinabi ni Sen. Marcos na ang mga problema na kinakaharap ng mga OFW at kanilang pamilya ay maaaring matugunan ng mga support group.

“Syempre hindi naman normal sa isang pamilya na nagkakawalay-walay. Dapat talaga kahit papaano may support group na nananatili sa Pilipinas at bigyan ng konting pansin itong mga problems na natural lang sa pamilya sana,” aniya sa isang ambush interview.

“Yung tinatawag na feminization of labor, ang bigat nyan sa pamilya. Syempre yung lalake, nawawalan ng dignidad at kinakawawa rin ng iba. Kaya nagiging abnormal kumbaga, nagiging unnatural yung set-up ng pamilya, kaya kinakailangan talaga tulungan,” dagdag ng mambabatas.

Kasama ang assistance na ibinigay ng OWWA, pinangako rin ni Sen. Marcos na tulungan ang pamilya ni Dela Peña.

Photo credit: Facebook/SenatorImeeR.Marcos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila