Nanawagan si KABAYAN Party-list Representative Ron Salo sa mga embahada ng Pilipinas sa mga Muslim majority na bansa na mamagitan sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nahatulan ng death penalty.
Hinimok rin niya na magbigay ng suporta ang National Commission on Muslim Filipinos.
Ayon sa ulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), 83 na Pilipino ang nasa death row, at 56 nito ay Malaysia, anim sa United Arab Emirates (UAE), lima sa Saudi Arabia, at isa sa Indonesia na si Mary Jane Veloso. Labinlima naman dito ay mula sa Bangladesh, China, Vietnam, USA, Japan, at Brunei.
May 1,267 na OFW ang nakakulong, 914 ay galing sa Middle East, 321 sa Asia Pacific, 23 sa Europe, lima sa America, at apat sa Africa.
“Ramadan, which begins on March 22, is a time of mercy and compassion. It is an opportune time for Muslim majority countries to exercise these virtues by showing leniency to Filipinos who are incarcerated,” pahayag ni Salo.
Ayon kay mambabatas, na Chair ng House Committee on Overseas Workers Affairs, ang mga pinuno ng Muslim majority countries ay madalas nagbibigay ng pardon sa mga nahatulan tuwing Ramadan.
“We have to exhaust all means to save the lives and reclaim the liberties of our overseas Filipinos. Let us appeal to the merciful hearts of our Muslim brothers and sisters in this holy month of fasting,” aniya.
“Our embassies must work closely with local authorities and the families of our overseas Filipinos to gather all necessary information to support their appeals for clemency,” dagdag ni Salo.
Photo credit: Facebook/PHinMalaysia