Monday, November 25, 2024

Paglikha Ng Virology And Vaccine Institute Isinusulong Ni Sen. Gatchalian

3

Paglikha Ng Virology And Vaccine Institute Isinusulong Ni Sen. Gatchalian

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa kabila ng naantala na pagdating ng Covid-19 bivalent vaccines, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagpapatibay sa kakayahan ng bansa na gumawa ng mga bakuna sa pamamagitan ng paglikha ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) sa ilalim ng Senate Bill No. 941. 

Ipinaliwanag ng Department of Health na nahuli ang mga bakuna dahil sa hindi pagpapalawig ng deklarasyon ng state of calamity.

“Sa nakita nating pinsala ng Covid-19, kailangang handa na tayo sa pang hinaharap at mahalagang magkaroon tayo ng sarili nating research and development sa larangan ng pag-aaral ng mga bakuna upang maagapan ang anumang uri ng sakit na maaaring kumitil ng buhay,” pahayag ni Gatchalian.

Sa ilalim ng panukala, itatatag ang VIP bilang isang premier research and development institute sa larangan ng virology na sakop ang lahat ng uri ng virus at viral diseases sa mga tao, hayop, at mga halaman.

Kasama sa magiging mandato ng VIP ang scientific at technological research and development sa virology at ang paglikha ng information system tungkol sa virology science and technology na maaaring magamit ng pampubliko at pribadong sektor.

Bukod sa paggawa ng mga diagnostic kit, bakuna, at therapeutics, lilikhain din ng VIP ang mga ito para sa mga sakit ng halaman at hayop na nagdudulot ng matinding kawalan sa mga magsasaka at nakakapinsala sa sektor ng agrikultura at suplay ng pagkain. 

Binalikan ni Gatchalian ang karanasan ng bansa sa unang African swine fever outbreak noong July 2018 na nauwi sa pagkitil sa buhay ng 251,450 na baboy, pagbaba ng 8.5 porsyento ng national production, at tinatayang P1 bilyon na kawalan sa kita.

Inalala rin niya ang kaso noong Hulyo 2020, kung saan nagkaroon ng nakakahawang H5N6 subtype na subtype ng influenza A virus sa Pampanga na nagdulot ng pagpatay sa halos 39,000 na mga manok para maiwasan ang bird flu outbreak.

Sa ilalim ng panukala, gagawa ang Health Facilities and Services Regulatory Bureau ng pamantayan para sa operasyon at regulasyon ng virology-related na pasilidad kasama ang Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno.

Photo credit: Win Gatchalian Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila