Hinimok ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Philippine National Police (PNP) na istriktong ipatupad ang one-strike sa “ninja cops” at iba pang pasaway na pulis, kabilang ang kanilang immediate superiors.
Makikipagpulong muli si Romualdez sa mga opisyal ng PNP pagkatapos ang mga ulat na may 13 na pulis sa PNP Criminal Investigation and Detention Group (CIDG)-National Capital Region ang inakusahan ng “holiday” o extortion ng mga grupo ng mga negosyanteng Chinese.
“What is happening to our policemen? They are supposed to protect our citizens but they are accused of doing ‘hulidap’ and other extortion and illegal activities,” aniya.
“I am appealing to our PNP chief to apply the one-strike policy not only to those involved in these activities but to their superiors. If the erring policemen belong to a station or a group, the station or group commander should be covered by such policy as well on the basis of command responsibility,” dagdag ng House Speaker.
Tinanggal ni CIDG Director Police Brigadier General Romero Caramat Jr. ang 13 na sangkot sa hinihinalang “hulidap,” kasama si CIDG-NCR Chief Police Colonel Hansel Marantan na nag-sumite ng kanyang courtesy resignation.
Idiniin ni Romualdez na dapat paiigtingin ng PNP ang kampanya nito laban sa mga pasaway na pulis para makuha muli ang tiwala ng mga mamamayan.
“They have to weed out the bad eggs who are tainting the image of the police organization, which is not fair to those who are faithfully doing their job. They should make sure that only those who take their duties seriously and who are not involved in illegal activities remain in the service,” aniya.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, ang grupo ng mga negosyanteng Chinese ay pumunta sa kanyang tanggapan upang ireklamo ang umano’y operasyon ng mga tauhan ng CIDG-NCR noong Marso 13.
Sinabi ng mga nagreklamo na nilusob ng mga operatiba ang isang bahay base sa isang reklamo ng kapitbahay na umano’y naabala dahil sa ingay.