Aprubado sa huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 4605 na mag-aamyenda sa isang portion ng New Civil Code (NCC) kung saan maaaring manatili ang maiden surname ng mga ikinasal na kababaihan bilang.
“Although our Civil Code currently allows three options for identification, we see this bill as a relevant and timely move to prove the commitment of the House of Representatives to promoting equality of men and women before the law,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“It is not enough that our jurisprudence says that a married woman has an option, but not a duty, to use the surname of the husband. It is important that we institutionalize that they can decide to retain both their maiden name and surname,” dagdag niya.
Sa kasalukuyang bersyon ng Article 370 ng Title XIII, Book III ng Republic Act No. 386, maaaring gamitin ng isang ikinasal na babae ang kanyang apelyido at idagdag ang apelyido ng kanyang asawa, gamitin ang apelyido ng kanyang asawa o gamitin ang buong pangalan ng kanyang asawa at prefix na magsasabi na siya ay ang asawa, katulad ng “Mrs.”
Sa ilalim ng HB 4605, magkakaroon ng ikaapat na pagpipilian kung saan mananatili ang maiden surname ng isang babae, o maaaring walang baguhin ang isang ikinasal na babae sa kanyang pangalan.