Sunday, November 24, 2024

Panukala Para Mabawasan Ang Mga Pilipinong Walang Trabaho Aprubado Sa Kamara

18

Panukala Para Mabawasan Ang Mga Pilipinong Walang Trabaho Aprubado Sa Kamara

18

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pumasa sa pangatlo at huling pagbasa ang panukala na layuning bawasan ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa pamamagitan ng pagtutugma ng kanilang edukasyon at kasanayan para sa mga job opportunity.

Pahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang House Bill (HB) No. 7370 o ang “An Act creating a tripartite council to address unemployment, underemployment and the job-skills mismatch problem in the country, and appropriating funds therefor,” ay makakabuti para sa mga walang trabaho, mga estudyante sa kolehiyo, at iba pang mga estudyante.

Isang tripartite council ang itatatag upang tulungan ang mga Pilipino na itugma ang kanilang edukasyon at kakayahan sa mga trabaho at oportunidad sa hinaharap.

“Part of our unemployment problem is due to the fact that many of the new members of our labor force do not possess the competency employers are looking for. Their education and job requirements do not match. This is one of the problems we would like to address in approving the bill,” ayon kay Romualdez.

Isa sa pangunahing layunin ng panukala ay siguraduhin ang halaga at pag-aangkop ng kursong akademiko sa higher education curriculum at training programs sa technical-vocational institution kaugnay sa pangangailangan ng industriya ng bansa para sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ang tripartite council sa ilalim ng panukala ay nagsisilbing coordinating body sa gobyerno, academe, at industriya para bantayan ang mga economic trend at magbigay ng impormasyon tungkol sa employment, unemployment, underemployment at job-skills mismatch.

Kinakailangan rin magkaroon ng inventory, review, at evaluation ng mga kurso at programang akademiko sa publiko at pribadong higher learning institution, suriin ang kwalipikasyon at kakayahan ng mga mag-aaral at nakatapos na at ilista ang job specification at skills requirement ng iba’t ibang industriya.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila