Sunday, November 24, 2024

Mabagal Na Pagproseso Ng SSS Retirement Claims Pinaiimbestigahan

9

Mabagal Na Pagproseso Ng SSS Retirement Claims Pinaiimbestigahan

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpatawag ng imbestigasyon sa Senado si Senador Raffy Tulfo sa mga iniulat na reklamo mula sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) tungkol sa mabagal na pagproseso ng kanilang mga benepisyo, partikular ang kanilang retirement claims.

Inihain ni Tulfo ang Senate Resolution No. 544 kung saan iginiit niya na ang pagkaantala sa pagproseso ng mga claim ay perwisyo sa mga retirees, lalo pa sa mga umaasa sa mga benepisyo para sa pang-araw-araw na gastusin.

“It is the responsibility of the Senate to ensure that government agencies such as the SSS are efficient in providing services to the public, especially to its members who have contributed to the system,” aniya sa resolusyon.

Ang SSS ay itinatag upang magbigay ng proteksyon sa mga Pilipino at tulungan silang maghanda para sa hinaharap sa pamamagitan ng mga kontribusyon at benepisyo.

Sinabi ni Tulfo na dapat suriin sa imbestigasyon ang mga dahilan sa pagkaantala sa pagproseso ng mga benepisyo at ang mga hakbang na ginagawa ng SSS upang matugunan ang mga isyung ito.

Binanggit niya rin na dapat malaman sa magaganap na imbestigasyon ang mga posibleng reporma na maaaring ipatupad para mapabilis ang pag-claim ng mga benepisyo, tulad ng paggamit ng digital technology at automation ng mga proseso.

Dagdag ng mambabatas, dapat ding isama sa imbestigasyon ang pangangailangan para sa karagdagang pondo at manpower para suportahan ang SSS sa pagproseso ng benefit claims at ang posibleng pagtatatag ng monitoring system para sa mga claim.

Photo credit: Philippine Information Agency Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila