Aprubado sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 7414 na may layuning mapataas ang literacy rate ng mga Pilipino na may 282 na boto mula sa mga kinatawan.
Sa ilalim ng HB 7414, ang Literacy Coordinating Council na itinatag ayon sa Republic Act No. 7165 ay papalitan ng National Literacy Council na nagsisilbing inter-agency coordinating at advisory body sa mga national agency, local government, at pribadong sektor sa paggawa ng mga polisiya at panukala para sa universalization ng kaalaman sa pagbasa at pagsulat.
Pahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na kailangan palakasin ang kasalukuyang batas para magkaroon ang bawat Pilipino ng fundamental literacy competency.
“Many of us, especially the poor in rural and remote communities, lack the means to acquire formal education. We have to reach out to these sectors of our population so that at least, they will learn how to read and write,” aniya.
“They should be provided with basic communication skills, even in their own native languages, through informal learning programs. No one should be left behind in improving their lives,” dagdag ni Romualdez.
Sa ilalim ng panukala, ang National Literacy Council ay kasama ng Department of Education (DepEd).
Mandato ng council ang pagsusuri ng sitwasyon ng literacy sa bansa, magmungkahi ng mga gawain para mapalawig ang oportunidad sa edukasyon para sa mga mamamayan, at gumamit ng makabagong teknolohiya para suportahan ang mga literacy program sa pambansa at lokal na antas.
Ang pondo para sa pagtatayo ng council ay manggagaling sa Education department, kasama ang iba pang mga requirement sa taunang budget proposal nito.
Ang isinusulong na National Literacy Council na panukala ay base sa bill na isinulong ni Pasig Representative Roman Romulo na Chairperson ng House Committee On Basic Education And Culture.
Photo credit: Facebook/DepartmentOfEducation.PH