Isinulong ni Senador Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 197 o ang Magna Carta for Barangays para itaguyod ang kapakanan ng mga opisyales at empleyado sa mga barangay.
“I originally filed the Magna Carta for Barangays last 18th Congress and I refiled it dito po sa 19th Congress since I believe that we need to improve the general welfare of our barangays and their residents, raise the economic and social status of barangay officials, and grant every barangay the basic facilities for decent, healthy and comfortable living,” aniya.
“Naintindihan ko po ang trabaho po ng ating mga barangay officials. Matagal po akong nagtrabaho kay dating pangulong (Rodrigo) Duterte (kahit noong mayor pa siya). Yan po ang unang-una – sa umaga pa lang, nakapila na yan, dala-dala ang mga problema ng barangay. At pinakahuling oras hanggang gabi, sila po yung nandyan sa baba, na talagang humihingi ng tulong at nagdadala po ng serbisyo. Lahat ng problema – patay, pasyente, away sa barangay, lahat. Lahat po ng problema sa barangay nila, sila po ang nag-aasikaso,” ayon kay Go.
Binanggit din niya na mahalaga ang responsibilidad ng mga pinuno sa mga barangay sa pagbibigay ng serbisyo at pagpapatupad ng mga proyekto at programa para sa community development.
“Napakalaki po ng tungkulin na ginagampanan ng ating mga barangay officials dahil sila ang frontliners sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Sila ang pinakaunang tinatakbuhan ng ating mga kababayan. Kagaya nga noong kasagsagan ng pandemya, unang nilalapitan po ang barangay officials,” idiniin ng mambabatas.
Kapag naisabatas ang panukala, ang mga barangay official ay itinuturing na regular na empleyado ng gobyerno. Ang Punong Barangay, mga miyembro ng Sangguniang Barangay, ang chairperson ng Sangguniang Kabataan, barangay secretary at barangay treasurer ay magkakaroon ng sweldo, emoluments, allowances gaya ng hazard pay, representation at transportation allowance, 13th month pay, at iba pang benepisyo ng mga regular na empleyado ng gobyerno.
Sa ilalim ng panukala ni Go, ang Sangguniang Barangay ay magkakaroon rin ng awtoridad na tukuyin ang kinakailangang bilang ng mga barangay tanod na may permanenteng status sa administrasyon ng Sangguniang Barangay na nagtalaga sa kanila. Magkakaroon rin sila ng honoraria, allowances, at iba pang benepisyo.
“Hindi naman lahat ng mga barangay ay pare-pareho ng peace and order situation. Merong mga mapayapa, merong problema talaga ang kriminalidad sa kanilang lugar,” aniya.
Sa ilalim ng panukala, ang mga barangay ay magkakaroon ng mga basic priority gaya ng pagtatayo ng facility para sa tubig ng mga residente, pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno na imandato ang mga public utility companies na magbigay ng minimum means ng transportasyon, barangay hall, at mga kindergarten at elementary na paaralan sa bawat barangay.
“As the basic political unit in our system of political governance, barangays serve as the primary planning and implementing unit of government programs, projects, and activities. It is also the forum in which the collective views of the people in the community may be crystallized and considered. It is my hope that this measure will further protect and enhance the local autonomy of barangays to ensure effective and efficient service to the people,” idiniin ni Go.
Photo credit: Facebook/SenateofthePhilippines