Thursday, December 26, 2024

Paggamit Ng Mga Bakanteng Lupa Ng Gobyerno Para Sa Pabahay Pinag-Aralan

393

Paggamit Ng Mga Bakanteng Lupa Ng Gobyerno Para Sa Pabahay Pinag-Aralan

393

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sinusuri ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga paraan sa paggamit ng bakanteng lupa ng gobyerno sa pagtatayo ng pabahay para sa mga Pilipino base sa kasalukuyang mga panukala.

“Sa ngayon, patuloy namang nagsisikap ang ating pamahalaan upang mas marami pa tayong maipapatayo na mga pabahay para sa ating mga minamahal na kababayan,” binanggit ni Marcos sa groundbreaking ng Disiplina Village sa Arkong Bato Park sa Valenzuela City.

“Patuloy nating pinag-aaralan kung paano isasagawa ang pagtukoy at paggamit sa mga bakanteng lupa ng gobyerno na maaaring tayuan ng mga pabahay, ayon sa ating mga batas at alituntunin,” aniya.

Ayon sa Presidential Communications Office, ang proyekto sa Valenzuela City ay isang halimbawa ng mga gawain ng gobyerno para makapagbigay ng disente at abot-kayang tahanan. Hinimok rin ni Marcos ang mga stakeholder na patuloy na magtayo ng kalidad at abot-kayang bahay para sa mga Pilipino.

“Mahalagang makipagtulungan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor upang maisakatuparan ang ating mga kolektibong hangarin,” aniya.

“Gayundin, tiyakin natin na ang ating mga gusali ay matatag gamit ang kalidad at matibay na mga materyales,” dagdag ng pangulo.

Ang Disiplina Village ay kumpletong komunidad na nagbibigay sa mga residente ng access sa mga paaralan, health center, at serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng city hall annex.

Ang gobyerno ng Valenzuela City at mga benepisyaryo ng Disiplina Village ay nagkaroon ng Home Space Agreement kung saan dapat manatiling disiplinado ang mga residente sa pagpapanatili ng kanilang tahanan at komunidad.

Itinayo ang ika-apat na Disiplina VIllage sa 2.07 na ektarya ng lupa sa Barangay Arkong Bato sa Valenzuela City na may 20 na five-storey building na nagsisilbing tahanan para sa 1,200 informal settler family na naninirahan sa Tullahan River at Manila Bay.

Ang unang tatlong Disiplina Village ay itinayo naman sa Barangay, Ugong, Bignay, at Lingunan sa Valenzuela City.

Ang unang dalawang villages sa Ugong at Bignay ay itinayo para sa mga informal settler na naapektuhan ng Bagyong Ondoy noong 2009 na nagsilbing unang dalawang in-city relocation site at public rental housing na proyekto sa bansa.

Ang ikatlong in-city resettlement site ay itinayo sa Barangay Lingunan kung saan 164 na pamilya ang inilipat noong Oktubre 2020.

Photo credit: Facebook/pcogovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila